Angie:
“Daddy, Mommy, gusto na po naming magpakasal ni Jed”
Linggo ng umaga, nakatanga sa akin ang aking mga magulang. Si Dad, nabilaukan pa. Eh di ko naman sila masisi, kahit sino siguro mabibigla. Whirl wind marriage ang peg naming dalawa. Eh God! We’re in love, ano pa ba ang kailangang patunayan sa mga tao di ba? Di ba sapat na nagmamahalan kami, at masaya kaming dalawa sa presensya ng bawat isa?
Humigit isa’t kalahating taon kami na mag-on ni Jed. Nakilala ko sa isang bar, nakainuman, nakatikiman, at kung ano pa dian. Di namin inasahan pareho na magiging ganito ang aming pagtitinginan. Siya ang dakilang hopeless romantic, samantalang ako naman ang ulirang walang kapaki-pakialam. Basta makuha ko gusto ko, ba’y ayos na ko. Siya yung mapilit na magpakasal na kami, kesyo ayaw niya may maka-agaw pa sa akin, kesyo masaya na siya at kuntento sa akin. Ewan ko ba ba’t ako pumayag magpakasal agad, Bente tres anyos pa lamang ako, apat na taon nang nagtratrabaho bilang part time na tagaturo ng ingles sa mga koreano’t hapon, curriculum developer ng mga ESL schools, at rumaraket na researcher ng isang advertistment firm.
May konti na akong naipon, may naipundar na rin akong mga gamit tulad ng second-hand kong sasakyan, katas ng napalaking kong pera na galing sa aking sahod at sa naipon kong pera noong kolehiyo. May hinuhulugan na rin akong bahay, malayo sa makukulit kong ina at ama. Wala akong kapatid sa nanay, pero mayroon akong dalawang kapatid sa ama, si Albert at si Joana. Magmula ng nagloko ang aking ama, lumuwas kami ni Mommy sa Maynila, may bahay kami dito, na pina-cacaretaker naming sa mga pinsan ko sa ina. Dito sila tumitira dahil malapit lang sa unibersidad na pinapasukan nila.
Si mommy, nagloko rin, nalulong sa sugal, casino dito, casino doon, minsan wala ng uwian, dun na siya natutulog. Sa mga panahong kinailangan ko ng masasandalan, ng magiging sandigan, wala si mommy. Kaya nagpasya ako na humiwalay na lang sa kanya. Sarili ko ang katuwang ko magmula noon. Sinumpa kong hinding hindi gagayahin sila mommy, matanda na silang nag-asawa, wala rin lang silang napalang dalawa, iniwan pa rin siya ni Daddy.
Naalala ko nung una naming pagkikita ni Jed, sa isang bar, dis-oras ng gabi. Nakatunga-nga ko sa isang tabi. Punong-puno yung bar nung gabing yun, wala na siya maupuan, bigla siyang lumapit. Dahil hindi naman siya mukhang maniakis, hinayaan ko siya makiupo sa tapat ng aking kinauupuaan. Di rin kami masyado nagkwentuhan, nagkatitigan lang makailang beses, natunaw ako, hindi ko alam kung natunaw din siya noon, nung natunaw na ang puso kong bato, saka na ko nagkalakas ng loob na makipag-usap.
Hanggang sa napunta kami sa bahay niya.
Walang katapusang kwentuhan, ng kung ano-anong bagay. Biglang pagsapit ng alas kwarto imedia, tila nag-iba ihip ng hangin.
Nag-init ako.
Nagliyab siya.
Kablam!
Nangyari na ang malamang inaasahan ng lahat.
Akala ko noon ay doon na matatapos ang lahat. Ganon naman kasi lagi: Init, Liyab, Abo. Nagulat na lamang ako pagkagising niya, hinatid pa niya ako pauwi sa tinitirahan ko. Kinabukasan, andun ulit siya, at doon na nga nagsimula.
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...