“Jerome Enrique Diaz! Anong ibig mong sabihin magpapakasal ka na? Ni hindi ko pa kilala magiging manugang ko!” sabi ni Mama, hindi naman galit, pero may puntong galit at tampo.
“Ma, paano mo ba naman makilala si Angie, eh absentee mother kayo” Malambing kong tugon sa aking pinakamamahal na mama. Hinalikan ko ang noo ng aking ina na kauuwi lang galing Italy. Binitbit ko ang pagkalaki laki niyang bag, at hinila papunta sa sasakyan.
“Tinaon mo pa sa kasal ng ate mo ang pagsasabi na magpapakasal ka na. Ano ba yan ijo, plano niyo ata ako iwanan ng maaga talaga. Sunod sunod na ata kayong kinakasal. Dati si kuya mo, ngayon si ate mo, tapos ikaw eh may balak na din, ay naku naku!”
Dali-dali kong biniro ang nagmamaktol kong mama, “Ma, ano ba naman kayo, ayaw niyo ba magka-apo agad?”
Sumimangot ang matanda. Niyakap ko sila at pinagbuksan ng pintuan ng van.
“Lola!”
Kasama namin sa van si Yaya Merciditas, taga-alaga ni Allison, anak ni kuya Efren at ng ate Helena. Four years old palang, pero kay kulit kulit na. Ano kaya feeling maging tatay. Napangiti nalang ako bigla.
“Oh, alam ko iniisip mo,” biglang sabi ni mama, namula tuloy ako bigla. “Ang aga ko naging lola!” Tawanan naming mag-ina. Kinandong ng matanda si Ally, bakas ang pag-kaaliw niya. Wala pang isang buwan noon si Ally noong huling umuwi si Mama.
“Yan ba ang mamanugangin ko?” Turo ni Ma sa nakasabit naming litrato namin Angie sa may salamin. Naalala ko nung kinunan naming to, pinilit ko siyang kuhanan ng litrato, pero sabi niya gusto niya magkasama kaming dalawa, kaya yan. Di ko inaasahang hahalik siya sa pisngi ko, nakatagilid tuloy siya, nakapikit ang mata, habang ako, mukhang nabiglang palaka. Akalain mo, and dakilang cold kong girlfriend, may tinatago rin palang kaswitan. Napangiti tuloy ulit ako.
“Ba, maganda pala ah, eh di hamak naman gwapo ka anak, kaya you deserve a beautiful woman! Eh ba’t pero para kang nagulat diyan ha? Sa susunod ayus ayusin mo ha, pumose ng maganda anak, di mo magaya ang mama, matanda na aba’y di papahuli sa camera.” Sabay nagselfie silang maglola.
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...