Angie:
Ala una na ng madaling araw, naririnig ko na naman nag-aaway sila mommy at daddy. Hay, kasalanan ko to, pinatawag ko silang dalawa para lang sabihin sa kanila ng harapan ang intensyon namin ni Jed. Maalala ko noong bata ako, naniniwala ko sa True love, yung tipong may nakaalan talaga para sa lahat ng tao sa mundo, pero noong nagloko si Daddy, kwinestyon ko na lahat ng mala-fairytale kong paniniwala. Love is for the hopeless romantic at hindi para sa isang tulad ko na lumaking takot magcommit at masaktan. Kaya ako nauwi sa fling, fling dito, fling dian, fling kung saan saan. Pero kahit pa naturingan akong papalit palit ng boypren, kay Jed lang may nangyari.
Bagamat kahit anong iwas kong magaya sa aking mga magulang na hopelessly in love noong mga unang sampung taon ng kanilang pagsasama, tila ganoon pa rin ang aking patutunguhan, pero ayokong mauuwi sa puntong magsawa sa akin si Jed tulad ng kila mommy at daddy. Kaya kahit na bratinela ako at abusada, nagpapadala ako ng mga video message tuwing magka-oras. Kahit na lagi niya akong sinasabihan ng COLD, pinararamdam kong importante siya sa akin, tulad na lang nung lumabas kaming dalawa na nagpicnic. Kinahiligan niya ang kuhanan ako ng litrato, pero hindi siya mahilig na kumuha ng litratong magkasama kami, tapos ako ang COLD, hay, lalake nga naman oo, minsan kay labo. Kaya pinilit ko siya, dala ng kakulitan, hinalikan ko siya sa pisngi, eto, ang pinakanakakatuwa naming litrato, nakatago sa wallet ko at tinitigan ko ngayon.
“Pwede ba ha Kiko, wag kang tumabi sa akin, doon ka sa sofa o doon sa guest room. Nakakaalibad-bad yung presence mo.”
“Mag-asawa pa rin tayo Linda, kahit pa may kasunduan tayo maghiwalay ng tirahan, asawa pa rin kita.”
“Ang lagay pwede mo pa rin ako magamit ha? ganon?!?”
“Hindi ka na mabubuntis, matanda ka na oi”
“At bakit, yun ba dahilan ko ha?”
Biglang tumahimik, hanggang sa nag-iba ang tunog sa kabilang kwarto. Hay, ang labo talaga ng mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...