Martes, alas singko ng umaga, New York.
Hi, kamusta na ang girlfriend kong COLD?
Seen
Aba, seen-zoned ata ako, ala-singko ng hapon doon, ano ba ginagawa niya at hindi siya nagrereply.
A few seconds ago
5 minutes ago
Bumangon ako saglit para magsipilyo at para makakain nung itinake out ko kagabi na burger. Nakakamiss ang tutong na sinangag at yung tuyong tustado ni Ange.
20 minutes ago
Bakit wala pa ring reply? Natapos na ko kumain lahat lahat, wala pa rin? Makahiga na nga uli sa kama. Nakakamiss yung amoy ng buhok niya, at yung hitsura niya pag bagong gising.
An hour ago
Hay! Makatayo na nga at makapag prepara dahil alas dies impunto ang meeting.
Lahat ng inimpake kong damit dito ay pinili ni Ange, may naka-schedule na ako isuot sa bawat araw ko dito, minsan talaga napaka thoughtful ng girlfriend ko, pero kadalasan, tulad na lang ngayon, wala na naman siyang paramdam.
Alas otso ng umaga na. Tanaw sa kwartong tinutuluyan ko ang Chrysler Building, ang tinaguriang tallest brick building sa buong mundo. Madaming mga magaganda ang disenyo na building dito sa New York, at masaya ako at magiging parte ang aming kumpanya ng isang project dito, assuming cyempre na maisasarado naming ang deal ngayong araw.
Sinilip ko ulit ang tablet ko, baka sakaling nagreply na si Ange, pero wala pa rin.
Pababa na ako sa ground floor, siguradong andun na si Leo, ang pinakamatalik kong kaibigan magmula noong kolehiyo.
“Tol, mukha kang biyernes santo, Si Ange na naman yan no? Wala ng nagpasimangot sayo ng ganyan kundi siya. Wala rin nakakapag-pangiti sayo ng parang asong ulol kundi rin siya, ibang klase nga naman talaga.”
“Di nagrereply eh.”
“Ai sows! Makabakod naman to, parang lagging may kaagaw sa kanya”
“Ai sows ka diyan, ready ka na mamaya tol? Maarte daw yung kliente ngayon”
“Kelan ba tayo hindi nagkaroon ng maarteng kliente, eh kakagat din naman sila sa proposal natin, ganun tayo kaswabe.”
Oo nga naman, halos lahat ng deals ay naisasarado naming dalawa ni Leo.
Isinunod ko gamitin ang Wechat ko para magpaalam kay Ange.
Be, papunta na kami sa meeting, wish me luck Lucky Charm ko.
Pero katulad sa facebook, wala pa rin siyang reply.
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...