Lunes ng umaga, umalis si Jed para sa isang business trip, mawawala siya ng halos isang linggo din. Ang kanyang pamilya naman ay nasa Palawan ngayon para ayusin ang venue ng kasal nila Ate Mariz at para makapagbakasyon na rin. Beach wedding daw ang peg eh, sosyal neh, iba na talaga kapag prepared. Pilit nila akong sinasama pero may trabaho kasi ako, at hindi ako pwedeng umabsent. Bukod pa doon, may sakit si Mommy, ayoko naman siyang iwan na lang. Sadyang matanda na siguro si Mommy kaya madami ng iniindang sakit. Kaya sa bahay namin muna ako tutuloy habang nagpapagaling sila.
Ang trabaho ako ay sa isang online based na kumpanya bilang isang curriculum developer, pero bukod dito ay pumapart time din ako na nagtuturo ng mga estudyante sa ESL school na pinapasukan ko para mayroon kaming hands on experience sa mga klase ng estudyante na nag-eenrol sa amin. Minsan nagklaklase ako ng alas nuebe ng umaga hanggang ala-una ng hapon, pero hanggang ala-singko ay nasa opisina ako. Sa gabi naman, kapag may ini-email na trabaho para sa research, saka ako gising ng hanggang alas dose ng hating gabi. Ayoko kasi na may trabaho akong hindi natatapos sa isang araw. Gusto ko pulido lahat, para kinabukasan wala na akong problema. At ayoko rin ng dull moments, at ng mga panahong wala akong ginagawa kaya napagpasyahan ko na kumuha ng madaming trabaho. Sapat naman at sumusobra pa ang sinasahod ko sa dalawa kong trabaho, pero mas masaya kasi ako sa pagsusulat bilang communication arts ang tinatpos ko.
Si Jed naman ay isang Metallurgical Engineer na expert sa aluminum material, palibhasa sadyang matalino at magilas sa pagdidisenyo kaya isa siya sa may pinakamalaking sumasahod sa construction firm na pinagtratrahuan niya. Sa halos higit pang isa’t kalahating taon naming mag-on ni Jed, madalas ang out of the country trips niya para sa mga proposals ng mga projects ng kumpanya nila. Masipag din na gaya ko si Jed, pero ang kaibahan lang, masaya siya sa ginagawa niya. Ako kasi, masaya lang ako na sumasahod.
Ayan na ang katrabahong kong si Matet. Siya ang bagong HR Manager, magkasing edad lang kami, pero sa 1 inch thick na make up niya, mukha siyang matanda sa paningin ko. Magkasabay na naman kami sa dyip. Hay, sigurado, magtatanong na naman siya ng kung ano-ano.
“Ui gurl! Kamusta ang weekend? Nameet mo na ba ang future mother in law mo?”
“Ah oo,” Siguro naman makakahalata siya na ayaw ko makipag-usap.
“Eh gurlee, kelan na nga ba uli ang kasal? Invited ba ang lola mo?”
“Ah sure, invited ka. Next year pa, ang plano namin, mga bandang November.”
“Masaya nga naman ang in love noh, lalo na kapag ikakasal na kayo, pero truth be told, feeling ko di ka pa handa ikasal” Nagpahid siya ng super pulang lipstick habang nagsasalita.
“Ha? Paano mo naman nasabi na hindi ako handa? Excited na kaya ako” Pakialamera.
“Gurl, di man tayo close ha,” sabay kumpas ng kamay niya. “ ...pero alam mo kasi, ang babae, pagdating sa usapang kasalan, kahit tipong malayo pa ang bethrotal date, well, yan lagi ang laman ng bibig niya. Eh ikaw, ni walang kalibog libog ang pagsabi mo na Excited na kaya ako”
Napaisip ako. Ganon ba talaga ako ka-apathetic.
Napansin niya ata na lutang ako sa kakaisip.
“Mahal mo ba siya?”
“anong klaseng tanong yan?”
“OO o HINDI lang ang validong sagot my dear.”
“OO” Bakit parang mali ang tono ng pagkasabi ko na naman.
“Your answer seemed so uncertain, make up your mind, sa buhay pag-aasawa, hindi sapat ang kilig kilig lang. Panghabang-buhay na kaya yan.”
Di ko siya sinagot. Tumingin lang ako sa malayo.
“Isa pa, bata ka pa, madami pang oportunidad sa balat ng lupa, wala ka na bang ibang plano sa buhay? Balita ko, Cum Laude ka daw, BA communication, major in journalism, minor in broadcasting, wag mong sabihing kuntento ka na sa kung ano man ang meron sa iyo ngayon.” Ngayon ko lang napansin, maganda pala ang kilay niya, hindi tatoo, pero malago at maganda ang pagkashape, paano naman kasi, nakataas ata ng direcho habang kinukwestyon niya ako.
Hay, buti na lang, nasa opisina na kami. Iyon na ata ang pinakamahabang 15 minutes ng buhay ko. Pero bakit ko ba to nararamdaman. Mahal ko naman si Jed, pero sigurado na nga ba akong magpakasal?”
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...