Jed:
“Alam mo na ba balita ate?”
“Ano na naman yan, Je?”
“Buntis si Ate Ena”
Napa-upo bigla si Ate Kat. Hindi ko na sana sasabihin sa kanya, pero hindi ko talaga mapigilan na hayaan ko na lang na hindi niya alam.
“Sinabi ko naman na sa iyo dati ate, may nangyayari na sa kanila, ayaw mo maniwala sakin”
Umiyak na lang si Ate Kat noon. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. At dahil magkaibigan sila ni kuya, nakagawian ko na pumunta sa apartment ni ate Kat. Tuwing may ipapabigay si Kuya na bulaklak o kung ano mang regalo. Bata palang ako, gusto ko na siya. Kahit pa mas matanda siya sa akin.
Pakiramdam ko noon, inaagawan ko si Kuya, palibhasa torpe, kaya ako na makapal ang apog ang gumagawa paraan para mapansin siya. Noong mga panahon na lugmok si Ate Kat, ako karamay niya, inaaraw araw ko siya dinadalaw sa apartment niya. Dahil bata pa nga ako noon, mapusok at magulo pa ang pag-iisip, hinalikan ko si Ate Kat, hindi naman siya pumalag, maalat ang labi niya dahil sa luha, pero hindi ko makakalimutan yun, siya ang first kiss ko.
Yung mga panahon na yun, higit pa sa halik ang gusto ng katawan ko, ayokong mang manamantala pa mas lalo, pero doon rin nauwi yung halikan namin, si Ate Kat ang una ko, at ako ang kanya. Magkahalong emosyon naramdaman ko noon, sa bandang huli, pinagsisihan kong pinagsamantalahan ko ang kahinaan niya. Dalawang araw matapos noon ay nagulat na lang ako na madaanan siya sa kwartong nakabigti, hindi ko siya nailigtas, malamig na siya at matigas noong inabutan ko.
“Di ka makatulog?”
Hinila ni Ange ang kumot. Tulad nga ng sabi niya, dito kami sa bahay niya natulog at ipinagpatuloy ang naudlot naming eksena kanina. Alas 3 na ng madaling araw at sadyang hindi pa talaga ako makatulog. Biglang bumalik sa akin yung mga tagpo na yun, paano kung magawa rin ni Kuya sa akin yung nagawa ko sa kanya?
“Psssh. Malalim na naman iniisip mo, kalian mo kaya ako pasisirin sa mga thoughts mong ubod lalim ha?” Umupo ang halos nakapikit ko pang girlfriend, na gulong gulo ang buhok. Hinila niya ang unan na sinasandalan ko at inilagay sa likod niya kaya eto’t nakahiga na ako at siya naman ang nakaupo. Nilaro laro niya ang buhok ko, at hinalikan ang aking mga talungkap.
“Tulog na…mahal ko…hayaan na natin ang mundo…”
Walang kwenta ang sleeping pills sa boses at lambing ng Ange ko.
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...