Alas otso ng gabi, Kumakain na kami nila Ma, Ally at si Manang Mercy. Wala pa rin sila Kuya ko at yung asawa niya. Sinubukan ko tawagan si kuya kanina, pero hindi na naman niya sinasagot. Kaya si Ate naman ang sinunod ko pinaulanan ng miscol.
Sa ika-10 na dial bago niya sinagot.
“Napatawag ka?” Parang hingal na hingal si Ate.
“Ate, kalian ba kayo uuwi dito, si Ali hinahanap ka na, si Kuya Efren naman wala ding paramdam, nag-aaway na naman ba kayo?”
“Hay nako Jerome, andyan naman si Manang Mers, madami pa ako inaasikaso sa opisina. Siya siya, si Kuya mo tawagan mo”
Binagsak niya ang telepono.
Iritable and boses ni Ate. Mas iritable naman ako, iniwan nila yung bata sa yaya lang. Anong klase ba naman. Gagawa sila ng bata tapos iiwan lang sa yaya. Mas ako na nga kinikilala niyang tatay kaysa kay Kuya. Kung minsan mapanghi na ang bewang ko sa kakarga sa kanya, ayaw din niya kasi magpakarga kay Manang. Napansin ata ni Ma ang patong-patong kong kunot sa noo.
“Oh tapos iniisip mo kung paano feeling ng maging tatay? Eh may first hand experience ka na” Tinapik nila ang aking balikat at hinaplos ang likod. Ganyan ako pinapakalma ni mama noong bata. Kasama si Papa, minamaneho nila yung maliit naming negosyo na nag eexport ng mga mwebles, mga pang interior design sa mga bahay. Si Papa sa kaha at sa mga teknikal na papeles, si Mama naman ang umaasikaso sa pakikipag usap sa mga kliente at sa pagdedesenyo ng halos karamihan sa mga inilalabas na produkto.
Patuloy kong dinial si Kuya.
‘Nyeta. Ngayon lang sumagot.
“Buti naman sumagot ka na”
Malakas ang tugtog.
“Asan ka ba?”
Wala pa ring sagot.
“Maglalasing ka na rin lang hindi ka pa nag-aya.”
Humagulgol si Kuya.
“..’Tang ina…’Tang-ina…Niloko ako ni Helena. Niloloko pa rin niya ako”
Narinig ko sa background ni kuya yung kilala kong bartender sa may Tomas Morato. Dali-dali kong kinuha yung susi ng kotse para sundan na si kuya.”
“Diyan ka lang, papunta na ko.”
Ala-una na pala.
BINABASA MO ANG
I do?
RomanceNagplaplano nang magpakasal ng magkasintahang sila Jerome at Angie. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama marami silang bagong natutuklasan sa isa't-isa na pwedeng mag buklod pa sa kanila mas lalo, o magsira sa relasyong pareho nilang gustong mapa...