Angie

11 0 0
                                    

Jed: Nagpapahangin ako.

Sinagot ko agad text.

May away sa inyo?

Jed: Gising ka pa pala. Maingay sila?

 Iniwasan na naman niya tanong ko. Malamang nga may gulo uli sa bahay nila.

Oo pero, hindi  ingay na sigawan.

Jed: Nainggit ka naman.

Ikaw siguro.

Hahaha! Paano niya alam?

Jed: Matulog ka na.

Ang bossy mo.!!

Jed: 3:30 na.

Eh ba’t ka kasi nagtext, nagising tuloy ako.

Pero ang totoo niyan hindi ako makatulog kanina pa.

Jed: Ah basta, matulog ka na.

Gusto mo magkape? Daan ka bahay kung gusto mo, iwan ko muna sila mommy dito. Tutal pareho sila Knock out.

Alam ko naman na problemado na naman siya, baka sakaling gusto niya ng kausap. Nagbibihis na ako pantalon sabay dampot ng bag sa may mesa ng kwarto ko. At sinalaksak sa baunan yung halos kaluluto kong kanin kanina na para sa almusal. Nag-iwan na lang ako ng sulat.

Mommy, nag iwan ako pera, magpadeliver na lang kayo. Uuwi ako.

Jed: Magluto ka ng masarap na almusal. Wag mo sunugin ung sinangag. Gusto ko may kape, dating timplada.

May regla ka ata ngayon.

Jed: Ala sinco impunto.

Oh cge, Kita kits.

Pumara na ko taxi.

Bakit kaya ang grumpy niya ngayon, hindi naman siya palaging ganyan. Strikto at demanding madalas, pero hindi grouchy. Malambing nga siya eh, yung tipong hahanap-hanapin mo siya dahil sa switness niya. Kaya lang may pagka-sutil, palibhasa marunong magluto kaya ininsulto luto ko, hay.

Hahaha!

Pero ano kaya problema niya?  Masikreto sadya si Jed, mahilig sarilihin ang problema. Feeling niya siya si superman. Ung tipong ayos lang buhatin lahat. Bibihira din siya magalit, pero pag nagalit, ay mala hiroshima ang peg. Masakit siya magsalita, yung tipong iindain mo hanggang sa hindi ka mawala sa lupa.

Hay…

Wala pang 15 minutes, nakarating na ko sa bahay. Dali dali kong binuksan ang ilaw, binuksan ang ref para sa tocino, at tuyo. Nagpitpit na rin ako ng bawang at isinalang ang dalawang kawali. Pinalambot ko muna ang tocino sa isang kawali, habang nagprito naman ako ng tuyo sa kabila.

Alas Kwatro na.

Tapos na maluto yung tuyo, hinango ko na at inilagay ang dalawang ngipin ng bawang, tinusta ko onti saka ko nilagay ung kanin. Ang bango na naman ng bahay. Nilagyan ko na ng kapeng barako yung coffee maker. Prinito ko sa kabila ang tocino. Yey. Patapos na ko.

Alas kwatro y’ media

Tapos na lahat. May kape na, may sinangag na, at meron na ding tuyo at tocino. Si Jed na lang kulang. Makapag-ayos nga, mamaya sabihin na naman niya para akong pinagsamantalahan ng tadhana. Ang sakit ng titig sa akin ni manong driver kanina, paano ba naman, parang kagagaling ko lang sa isang matinding round sa kama, humahangos, mukhang nanlalata gawa ng puyat ako ulit, walang suklayan, walang hilamusan, direcho na ko umalis ng bahay.

 Beep

Jed: Malapit na ko.

Cge, okay na ung pagkain. Inaantay ka na.

Toktok toktok

“Sabi mo malapit ka na”

“Oh, malapit naman na ko, sa pinto” Hinalikan niya ko agad sa pisngi at niyakap sa bewang.

Tumawa ako, medyo nakiliti sa mga halik niya. “Wag, hindi pa ko naliligo” Itinulak ko siya papalayo ng konti sa akin, at hinila papunta sa may kainan.

“Mukha kang zombie, ano ba pinag-gagawa mo?” Inilapag niya ang kanyang susi sa salamin kong mesa.

“Nagsalita ang lalaking hindi puno ng wrinkles ang noo, mamaya no space for new wrinkles ka na” inasar ko siya habang pinipisil ung mga kunot niya sa noo.

Tinapik niya kamay ko. “Oist, eyebags mo patong-patong na mamaya wala ka ng mata”. Hinalikan niya ko ulit, sa bibig naman ngayon.

Matatandaan ko yung unang beses naglapat mga labi namin. Matamis na, maanghang na hindi ko maexplain, basta, masarap. Ngayon, tulad ng sa tuwing problemado siya, marahas, pabigla bigla at hindi malambing, kaya hindi ko napigilang sabihin. “May problema ba?”

Hinaplos niya ang mukha ko, at hinalikan ang noo ko sabay sabing “Halika kumain na tayo” 

 

I do?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon