My 2nd Concept

4.1K 71 71
                                    

My Second Concept: Kunyare Lang

━━━━━━❁━━━━━━

Mas lalo akong kinabahan ng tinuro mo yung dibdib mo.

"Inaatake ka na ba?" I nervously asked you.

I don't know how to react when you didn't say any single words after I asked you. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag inatake ka na lang bigla ng sakit mo sa puso kapag nagkataon.

Pero agad din nawala yung kaba ko at napalitan ng inis ng makita kong tumawa ka ng malakas na akala mo mamamatay ka na sa katatawa mo.

Sinamaan lang kita ng tingin kasi tinatawanan mo na lang yung nararamdaman ko sa'yo. Mabilaukan ka nga sana dyan sa katatawa mo.

"Kelangan mo ng salamin? Kasi mukhang ikaw pa yung aatakihin sa ating dalawa e," at nakuha mo pa talagang mang-asar, no?!

"Letse ka talaga kahit kelan," naiinis na sabi ko sa'yo.

"Ang cute mo," you commented which I tried my very best not to blush in front of you.

"I know," I said right away still trying to hide whatever the thing that I need to hide.

"Sungit, concern ka lang e. Yieeeh!" Pang-aasar mo pa lalo.

Please Lord, ilayo ka nga niya sa akin. Onti na lang talaga e. Malalaman mo na talaga na may gusto ako sa'yo.

"BAKA NAMAN CONCERN AKO SA'YO," I denied.

Mas lalo kang tumawa ng malakas after hearing my denial answer. "Oo na lang," you said then shrugged your shoulder. "Kunyare hindi ka concern."

Nagmake-face lang ako habang sinasabi mo yan. Wala akong pakealam sa'yo as long as kaya kong itago 'yung feelings ko. Okay na ako don.

Okay na sana ako don, but you broke it by saying:

"Kunyare hindi ako yung gusto mo."

━━━━━━❁━━━━━━

031418/18:17

My Own ConceptWhere stories live. Discover now