My Seventh Concept: Ikaw?
━━━━━━❁━━━━━━
Padabog na inalis ko yung kumot ko sa pagkakatalukbong sa buong katawan ko at nagsimulang nagpapapadyak nang maalala ko na naman yung huli mong sinabi sa akin bago tayo magkahiwalay.
Shet naman na malagkit oh. Hindi ko talaga alam kung bakit sobra akong naliligalig to the point na hindi na naman ako makatulog dahil sa pag-ooverthink ko. Anong oras na? Mag-aalas-onse na ng gabi tapos may klase pa ako ng alas-otso kinabukasan.
I really hate you for making me feel this way. Kasi kung hindi mo sinabi sa akin na 'piliin ko yung taong ako talaga yung gusto, at hindi yung kailangan ko pang maghabol,' edi sana ang himbing na ng tulog ko ngayon. Edi sana hindi siya paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko na parang sirang plaka habang sinasampal ng realidad na wala na akong pag-asa sa'yo kasi hindi naman ako yung gusto mo para huwag na akong maghabol pa.
Pero mas naliligalig ako don sa first part ng conversation natin na naguguluhan ka kasi bakit kailangan magkagusto ka pa dun sa taong hindi naman ikaw ang gusto which I saw myself getting my phone below my pillow para lang itanong ko lang sa'yo ito:
"Sino ba yung gusto mo?"
Nailing na lang ako sa itinanong ko sa'yo. You know why? Kasi itinanong ko pa yung alam kong ikakasakit ng puso ko.
And within a minute, nagreply ka agad which is hindi mo ito gawain.
"Ikaw?"
━━━━━━❁━━━━━━
Hi dun sa mga taong hindi sila gusto ng mga gusto nila. I feel you guyth! Hindi din ako gusto ng gusto ko, sad. :< But the great thing is - 3K na yung reads ng My Own Concept! *sabog confetti*
Nale-lessen lang yung pain kapag nakikita kong may progress *pala* yung story ko for a meantime, amp. Joke lang. So, ayon. Medyo ang haba ng context ng chapter na ito which is hindi ako sanay. Pero... keri na yan! I still thank you guys so very very much!
032318/21:52
![](https://img.wattpad.com/cover/141651439-288-k454569.jpg)
YOU ARE READING
My Own Concept
Short StoryGusto kita. Gusto mo siya. Hindi ako yung gusto mo. And yeah, hindi ikaw ang gusto ng gusto mo. And that's how I create my own cliché concept. Copyright © March 2018 by @ohbamiseu Highest Rank: #61 in Short Story; 042718/09:07