My Third Concept: Akala Mo Biro Lang?
━━━━━━❁━━━━━━
GAGO KA BA?
Ayan dapat ang gusto kong sabihin sa'yo but I forced myself not to curse you. Sinamaan na lang kita ng tingin at binilisan na lang yung paglalakad ko para maiwasan kita.
Naiinis ako, alam mo yon?
Kasi bakit kailangan mo pang isampal yung katotohanan na gusto kita?
Then slapped me again in the left side that you like someone else at kahit kailan hinding-hindi ako yung magugustuhan mo?
Sobra ka naman.
"Hoy!" You called me out while chasing me.
"May pangalan ako." I told him.
Naiinis pa din talaga ako sa'yo to be honest. Kasalanan ko 'to kasi nahulog ako kahit alam kong hindi mo naman ako kayang saluhin.
"Eto naman, hindi na mabiro."
Oo na, biro lang yung nararamdaman ko para sa'yo. Sino ba naman kasi ako para seryosohin mo?
━━━━━━❁━━━━━━
031718/11:07
YOU ARE READING
My Own Concept
Short StoryGusto kita. Gusto mo siya. Hindi ako yung gusto mo. And yeah, hindi ikaw ang gusto ng gusto mo. And that's how I create my own cliché concept. Copyright © March 2018 by @ohbamiseu Highest Rank: #61 in Short Story; 042718/09:07