My Fifteenth Concept: Kailangan Ba Kitang Mahalin?
━━━━━━❁━━━━━━
Shet naman oh. Anong kulay na naman ba yung mukha ko? Nangangamatis na ba? Sorry naman. Hindi ko kayang kontrolin yung sarili ko lalo na't nararamdaman ko siya kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Nakakagigil kasi itong kasama ko, e. NAPAKAHILIG MAMBUKING NG FEELINGS KO! Kung magbibigay ng compliment. Aba, compliment lang. Walang bukingan ng feelings sa pamamagitan ng pagpapakilig. Nakakaletse na, e.
Mas lalo kong narinig yung tawa mo dahil nakita mo siguro yung itsura kong namumula na. But I'm crossing my fingers na 'wag mo na sanang makita pa dahil medyo mausok naman dito sa kinalulugaran natin dahil malapit lang tayo sa may nag-iihaw.
Atsaka, no one can blame me to blush. Teenager kaya ako. Maigi sana kung matanda na ako tapos ganito yung inaasal ko. Ikaw kaya na masabihan ka out of the blue ng taong gusto mo na ang cute mo? Ewan ko na lang kung hindi magkaroon bigla ng mala-7.1 earthquake magnitude dyan sa loob ng pagkatao mo dahil lang don. Please be on my shoes nga, HAHAHAHA, charot.
Inirapan na lang kita at mabilis na umupo sa maliit na upuan doon sa tapat ng stall na pinagbilhan natin ng ihaw-ihaw at sinimulang kainin yung mga binili mo sa akin. I can't stand looking at you nang namumula ako kasi alam kong aasarin mo na naman ako.
"Huy," you called me out after sitting in front of me. Tinaasan lang kita ng kilay habang nilalantakan ko yung pagkain ko. "Ba't ka namumula?"
Muntik na akong masamid sa kinakain ko. Buti na lang maganda ako kaya hindi naging halata yung pagpigil ko sa pagsamid ko sana dahil sa tanong mo. Ang sarap mong salaksakin ng barbecue stick, no? Nagawa mo pa talagang tanungin yung pinaka-obvious na tanong sa mundo. Kakagigil ka, e.
"Gago ka ba?" I cursed you right away. Well, kahit ako nagulat din ako sa nasabi ko. But you deserved it, duh. MAHIYA KA NAMAN, NOH. HINDI PORKE'T LIBRENG MAGPAKILIG AT MAMBUKING NG FEELINGS, E OORAS-ORASIN MO NA. Be considerate din naman sa nararamdaman ko. Hirap na hirap na nga akong itago e. Tsk.
Halata naman sa itsura mo na nagulat ko din sa sinabi ko. Sabagay, sino nga ba ang hindi magugulat kapag bigla kang minura ng kasama mo?
"Luh. Bakit mo ba ako minumura?" You asked me while pointing to yourself.
"Bakit? Kailangan ba kitang mahalin?" I asked you back.
"Oo."
━━━━━━❁━━━━━━
SABI KO AAYUSIN KO DIBA? SORRY NA ANG SABOG PA DIN. I'LL TRY NEXT TIME, HAHAHA. CUTE KO, BYE.
040818/13:07
YOU ARE READING
My Own Concept
Short StoryGusto kita. Gusto mo siya. Hindi ako yung gusto mo. And yeah, hindi ikaw ang gusto ng gusto mo. And that's how I create my own cliché concept. Copyright © March 2018 by @ohbamiseu Highest Rank: #61 in Short Story; 042718/09:07