My Ninth Concept: Hindi Mo Dapat Sinabi Yon
━━━━━━❁━━━━━━
Kahit na naiinis ako sa'yo at kaunti na lang ay magpapaulan na ako ng apoy at niyebe dyan sa loob ng kwarto mo ay hindi ko pa din magawang maitago yung phone ko sa ilalim ng unan ko at pilitin na lang yung sarili ko na matulog dahil maaga pa talaga yung pasok ko.
Oo na, inaamin ko na sa sarili ko na inaantay ko pa din na mag-reply ka. Lokong-loko na nga 'to tapos pati yung sarili ko kailangan ko pang lokohin para lang i-deny na hindi ako naghihintay.
Oo na, naghihintay na ako na suyuin mo ako kahit kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Umaasa na baka tadtarin mo ako ng message kapag hindi ako nagreply. Kaso, napakalabo namang mangyari no'n. Kasing labo na maging tayo in the near future.
A wide smile plastered in my face when I saw your name in my notification which means that you already replied.
"Luh, nagtampo!"
Pero naalala ko pala na naiinis pala ako sa'yo, punyeta ka. One-sided na nga lang yung feelings ko sa'yo tapos nagagawan mo pang paglaruan? Be fair naman. Ako na lang palagi ang talo dito sa ating dalawa e.
Ako na araw-araw na lang nafa-fall sa'yo. Ikaw na hindi mo man lang ako masalo kasi busy ka sa iba.
Naiinis pa din talaga ako. Hindi ko na nga alam kung ilang beses ko nang sinabi na naiinis ako dahil sa sinabi mo. Akala mo ise-seen ko yung reply mo? Manigas ka dyan. Nanggigil pa din ako.
I was about to heave a sigh when you replied again.
"Sorry, hindi ko dapat sinabi yon."
HINDI MO TALAGA DAPAT SINABI YON KASI UMASA AKO (NG VERY LIGHT LANG) KAYA NASASAKTAN AKO NUNG SINABI MONG BIRO LANG, LETSA KA. SANA KUNIN KA NA NI LORD, BWISET KA!
━━━━━━❁━━━━━━
032918/1633
YOU ARE READING
My Own Concept
القصة القصيرةGusto kita. Gusto mo siya. Hindi ako yung gusto mo. And yeah, hindi ikaw ang gusto ng gusto mo. And that's how I create my own cliché concept. Copyright © March 2018 by @ohbamiseu Highest Rank: #61 in Short Story; 042718/09:07