Trisha's POV
Nandito na kami ngayon sa bahay nila Nicole para kumain ng lunch dahil nagluto yung tita niya ng makakain kaya napagpasyahan naming kumain nalang dito.
Habang inihahanda pa yung pagkain sa kusina andito kami ngayon sa living room. Yung iba nanonood ng movie, yung iba naman nagkukwentohan.
Nakahiga ako sa lap ni Lucas dahil ganun naman talaga ako kapag kasama ko sya. Wala namang malisya kasi magpinsan naman kami.
Ilang sandali lang tinawag na kami para kumain at ehem ang sarap ng ulam. SINIGANG! Napakuha tuloy ako ng madaming kanin at ulam dahil sa sarap. Pinagtatawanan nga nila ako dahil daw ang takaw ko pero ito namang si Matthew inaalalayan pa ako sa pagkuha ng pagkain "Thank you" sabi ko sakanya ng nakangiti pagkatapos ay kinuha na ang pagkain na inaabot nya.
Napatingin ako sa side ni Aaron na nakatingin pala samin ni Matthew. Nagulat ako nang umiwas sya ng tingin at kunwaring sa iba nakatingin. Napailing nalang ako dahil alam ko namanag may gusto sya sakin pero hindi pa pwede dahil masyado pang maaga at ayaw ko munang makasakit ng damdamin ng iba lalo na ang damdamin ng mga kaibigan ko.
Mabilis kong naubos ang pagkain ko at nag prepare na ako dahil aalis pa kami, pupunta pa kami ng mall para mamasyal at mamili. Naglipat kami ng sasakyan dahil masikip na para samin ang isang kotse kagaya kanina na nagtaxi nalang yung iba. Nakavan kami ngayon at tatluhan ang upuan. Nakatabi ko nanaman ang dalawang taong gusto ko, nasa pagitan nila akong dalawa. Nasa may bintana si Aaron at si Matthew naman ay nasa pintuan banda. Spell AWKWARD.
Napagisip-isip ko, bakit ba napakamapaglaro ni tadhana? Baka konting pagkakamali lang may masaktan na. Haysss kailangan kong ingatan ang nararamdaman ko, kailangan kong maisip kung ano ang tamang desisyon para hindi ako magsisi sa huli.
Nakadating na kami sa mall at inalalayan ako ni Matthew bumaba at dinala naman ni Aaron ang bag ko parang tuloy di kami mapaghiwalay tatlo dahil di ako makaalis dito kasi naman hawak ni Matthew yung kamay ko at si Aaron naman hawak yung bag ko. Nag-usap ba sila? Hinayaan ko nalang sila dahil ayaw ko rin naman makasakit. Pumunta kami ng Dept. store para dun mamili ng mga damit. Andami din naming nabili sa loob. Yung mga boys bumuli lang ng gagamitin bukas, kami namang mga girls bumili ng mga damit, accessories, shoes, and others. Maluho as its finest.
Grabe yung mga nabili naming mga babae na ang nagdala ay ang boys, aba sumama pa sila kung wala silang itutulong. Gastos kung gastos kami ngayon.
"Akin na yan trisha, ako na magdadala" sabi ni Aaron habang nakangiti sakin "sige" binanggit ko iyon ng may mga ngiti sa aking labi. Ilang oras lang ay nagpasya kaming maghiwalay hiwalay muna para makapag enjoy. Ito namang si stacy hindi mapakali dahil parang di ata sumasangayon sa desisyon namin "Hoy Stacy Tan wag ka ngang ganyan pahalata ka naman sa boys eh" sarcastic kong sabi habang tinitignan ang boys. Ang laki na talaga ng squad namin ngayon mas lalo pa tuloy naging masaya. Paarang dati lang ay kami-kami lang nina Jade, Daryn, Iyanee at Nicole ang magkakasama pero ngayon meron pang dumagdag. Mas lalo kaming naging masaya nang dumagdag sina Matthew, Joshua, Lucas, Stacy at Aaron pati na din sina Gabriel at Jethro. Sana mas tumatag pa 'to at sana dumami pa kami lalo na at malapit na kami magcollege
Sigurado akong may maglilipat ng school pero sana kahit may lumipat, waalng magkakalimutan. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya inaya ko yung mga kasama ko na kumain at pumayag naman sila. Habang kumakain kami nakalimutan naming ayain ang boys. Teka nga asan na ba yun? Isa't-kalahating oras na kaming magkakahiwalay pero ni text di nila magawa bigla nalang nagsalita si Stacy "nasa bar daw sila at magiinuman, sundan na natin baka magpakalasing eh delikado na" sabi nya habang halatang naiinis "bakit naman delikado?" nagtataka kong tanong "h-hah ah-ahm k-kasi.... diba aalis tayo, eh baka malasing sila diba tas di tayo matuloy sayang naman" apektado nyang sagot, may punto nga naman sya. Pumunta kami agad sa bar na sinabi ni stacy at nakita namin silang nainom pero wala namang babae. Di ko malaman-laman kung ganto ba talaga sila o sadyang allergic sila sa babae.

BINABASA MO ANG
Unexpected Truth
Teen FictionIn the journey of life, we're all walking with the lights on our back and facing the darkness.