Chapter 14

23 1 0
                                    

Matthew's POV

Ang tagal naman ni Trisha, kanina pa sya ahh? Di parin kami naglalaro kasi hinihintay namin sya kahit sabi nyang maglaro muna kami, "uy bro bat tulala ka jan?"

Tumingin ako kay Kurt "eh bro ang tagal kasi ni Trisha baka kung ano na nangyari dun" nagaalala kong sabi "bro napapraning kana ata, nanjan lang yung room oh *turo sa room door ng kwarto na pinasukan ni ya sabay tawa*, ang OA mo, kung gusto mong matapos na yang kapraningan mo edi puntahan mo"

Oo nga 'no puntahan ko nalang sya, lumapit ako sa kuya nya "puntahan ko lang si Trisha" pagpapaalam ko sakanya, tumango naman sya sakin. Pagkaharap ko sa pinto dahan-dahan ko itong binuksan, binuksan ko muna ng kaunti yung pinto, sinilip ko sila at nakita kong nakapikit na si Stephanie at si Trisha naman ay nakatingin lang sa bata.

Binuksan ko na ng buo ang pinto at napalingon naman sya sakin "Matt anong ginagawa mo dito?" tanong nya saakin "ah kasi ang tagal mo, baka kung ano na nangyari sayo"

Tumawa sya at tumingin sakin "ang OA mo naman" umiwas sya ng tingin at ibinaling nalang ulit ang tingin kay Stephanie, lumapit ako sakanila at umupo sa gilid ng kama "ang ganda ni Stephy 'no" napatingin ako sakanya, nakatitig lang sya sa bata at pinagmamasdan itong natutulog

"kasing ganda mo" bulong na sabi ko "huh?" nagtatakang tanong nya, kung kanina ay di nya ako matitigan ng diretso, ngayon ay nagawa na nya yun "ah sabi ko oo nga" alam kong naiilang pa rin sya dahil sa pag-amin ko kanina

"Trisha" tawag ko sakanya "oh?" gusto kong itanong sakanya kung may nararamdaman parin ba sya sakin o kaya may pag asa pa ba ako pero kinakabahan ako sht, never pa akong kinabahan ng ganto, sa dami ba naman ng naging girlfriends ko, ah let me correct that, kaflirts not girlfriends kasi wala pa akong sineryoso kahit isa kahit sya pero iba na ngayon, iba na ang nararamdaman ko para sakanya dahil kung dati laruan lang sya sakin, ngayon ay importante na sya sakin, isang katangahan nga lang ang nagawa ko dati ay ang pakawalan pa sya.

Pero gaya nga ng sabi ko, iba na ngayon, di ko na sya hawak, she can do whatever she want and that includes being with someone.

"Hoy may sasabihin ka ba?" tanong nya sakin pero di nya na ako binabalingan ng tingin "uhm yes, can I ask a question?"

"Nagtatanong ka na" tangna barado ako dun ah, parang napaatras yung dila ko pero di bale na, hahayaan ko nalang yung pikon ko "can you be my girlfriend? For the second time?" shock was drawn on her face.

"I'm sorry but no, I'm really sorry Matthew, 1 year palang ang nakakalipas, ayoko muna pumasok sa isang relasyon ulit, ayoko naring masaktan sa mga kamay mo" nagulat ako sa mga sinabi nya. That was painful, her last words but I can't blame her because in first place, I was the one who put a scar and that scar will be with her until the end.

"But what about--" she didn't let me finish my words "court me?"

Hindi ko pinahalata na nasasaktan ako pero ang hirap itago, parang gusto ko na umiyak sa harap nya "I'm sorry pero wag mo na akong ligawan, masasaktan ka lang sa ginagawa mo, para kang kumuha ng kutsilyo at isinaksak yun sa dibdib mo" she paused for a moment

"I let you court me because I thought I've moved on pero mali pala ako, hindi pa pala ako nakalimot sa nakaraan nating dalawa, everything is still fresh even that scene" natahimik ako at naalala ulit yung nangyari "I hope you understand"

Tumayo sya at lalabas na, palabas na sya ng pinto ng nagsalita ako "Trisha, whether you like it or not, I'll court you just to prove  that I'm sincere" seryosong sabi ko.

I'll do anything just to show her how much important she is to me.

She shrugged her shoulders before walking out of the room. Bakit ko pa ba kasi sya pinakawalan?! I was such a dumb*ss!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon