Chapter 13

22 2 0
                                    

Trisha's POV

"Sige" bat ba pumayag si kuya dun eh masyadong boring yung larong yun. Natawa tuloy ako bigla sa isip ko, boring daw pero kabado kapag natapat yung bote "kuya ako na kukuha ng bote" sabi ko kay kuya at tumango naman sya

Bumaba muna ako para humingi kay ate sandy (Kasambahay namin) ng plastic bottle

"ateeeee" sigaw ko habang naglalakad papuntang kitchen, nang makarating ako sa kitchen nakita ko si mama Linda

"mama lindaaaa!!! Anong ginagawa mo dito? Diba aalis ka na sabi mo sakin nung nakaraan?" tanong ko kay sakanya. Si mama Linda ang nag-alaga samin since baby palang kami ni kuya dahil busy ang parents namin sa work nila, minsan na nga lang kami maging kompleto eh

"Di ba pwedeng namiss ko ang alaga ko" sabi nya sakin tapos niyakap nya ako "nako dalaga ka na baby, baka naman may boyfriend kana ah" pangaasar niya sakin "mama naman wala pa akong boyfriend" pikon kong sabi kay mama.

Kapag ba dalaga na at matured na may boyfriend na agad? Mga tao talaga

"Ay mama nga pala, nakita mo ba si ate sandy o kaya si ate erika? May hihingiin lang ako sakanila" tanong ko kay mama habang lumilingon lingon

Maya-maya ay bigla naman pumasok galing backdoor si ate Diana (pinsan ko sa side ni mommy) "ate may plastic bottle ka jan?" tanong ko sakanya "teka" lumabas sya sandali at pagpasok nya ay may dala na syang bote "ito oh" inabot nya sakin yung bote "sige ate salamat" pumunta ako sa sink at hinugasan ko muna yung bote pagkatapos nun ay nagpaalam muna ako kay mama "ma, akyat na ako andun kasi sina jade eh" tumango naman sya sakin at dumeretso na ako papuntang kwarto ko

"Hoy ang tagal mo naman ISHA" sinamaan ko sya ng tingin, I know that was intentional, diniinan nya pa talaga yung Isha.

Si mom kasi nagisip ng nickname ko, pero ayaw na ayaw kong tinatawag akong isha gusto ko si mom lang at si dad. Basta kapag ginawan ako ng nickname ng mga kaibigan ko, gusto ko sila lang tatawag nun sakin, kapag parents ko naman sila rin lang dapat, ganun din kina kuya and others. Tsaka parang kanina lang faith at baby girl tawag nya sakin ah? Tsk tsk halatang nangaasar

"Shut up kuya, natagalan lang naman ako kasi nakausap ko pa si mama" sabi ko kay kuya, nagulat sina Stacy sa sinabi ko, ay di pa pala nila alam kung sino si mama

"Guys kung ano man yang iniisip nyo mali kayo, di ampon si Isha " sinamaan ko ng tingin si Nicole "este si Trisha pala, mama lang ang tawag nya because yun yung nagbantay at nagalaga sakanila ni kuya Gelo since baby palang sila"  buti nadaan sa sama ng tingin, "ahh akala ko..." natawa kami sa itsura ni Stacy

"Maglaro na nga tayo, umupo ka na ISHA" pag aaya ni kuya samin. NAKAKAINIS NA TALAGA! Halatang iniinis nya lang ako.

Tsaka bakit ganyan yan si kuya ngayon? Kala mo naman nakakatuwa sya

Inispin na ni kuya ang bote at huminto naman ang head nito kay Nicole, ang laptrip ng mukha nya,  gulat ka ghOrl?

"Truth or dare" tanong ni kuya sakanya, natahimik kami at tumingin kay Nicole

"ah....eh...Truth?" mukhang di pa sya sumasangayon sa sariling desisyon nya

"Hmmm?" sabi ni kuya habang hinihimas-himas ang baba nya at tila nagiisip ng tanong, lumapit naman sya sa tenga ko at may binulong "baby anong pwedeng itanong jan sa kaibigan mo?" bulong nya sakin, napatawa ako ng mahina kasi di pa pala sila ganun magkaclose

"ahm ano ba pwede?" binulong ko kay kuya yung naisip kong tanong, nung una di sya pumayag dahil baka maglit si Nicole pero sabi ko okay lang yun kaya sa huli pumayag na rin sya

"ahm Nicole ito na yung tanong ko, sinong crush mo? be honest" tumingin kaming lahat kay sakanha after sabihin yun ni kuya "ah....ehh..." palipat lipat ang tingin nya samin at parang ayaw nya kaming tignan ng matagal

Unexpected TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon