Chapter 8

23 3 0
                                    

Trisha's POV

Nagising ako sa isang lugar na napakadilim, nakaupo lang ako ngunit natatakot ako baka mawala ako sa kadiliman kapag naglakad ako palayo.

"Hello?! May tao ba jan?!" malakas kong sigaw.

"meron" mahinang sagot ng isang lalaki na pamilyar ang boses saakin pero bakit nanghihina ang boses nya?

Tumayo ako upang hanapin kung nasan sya ngunit nung tatayo palang ako ay may humatak na sakin paupo ulit na ikinaray ko.

"P*ta" tanging pagmura nalang ang nagawa ko ng hinigpitan nya ang paghawak saking mga kamay at tinali sa aking upuan.

"S-sino k-ka?" lumuluhang sagot ko.

"hmmmm itago natin sa pangalang Mr. A" sabay halakhak nito ng malakas na akala mo wala ng bukas

'Who is he?
who is he?
who is he?'

Paulit-ulit nageecho ang mga salitang yon sa utak ko,

nakakabingi ang katahimikan dito, asan ba ako?

Biglang bumukas ang isang maliit na ilaw malapit sakin at may nakita akong lalaking nakatalikod sakin,

pamilyar sya sakin at yung boses nya kanina.

Nagulat ako ng bumakas ang ilaw sa di kalayuan at may isang lalaking puro pasa sa katawan at mukha

Tinitigan ko ng matagal ang lalaki at "OMG" napasigaw ako ng nakita ko ang taong mahal ko na nanghihina.

Bigla akong nakaramdam ng galit at pilit na kinakalas ang pagkakatali sakin.

"Babe hinay lang, may surprise pa ako sayo teka" sabi ng lalaking nakatalikod sakin na pamilyar talaga ang boses sakin

"Anong pinagsasabi mo hah?!anong ginawa mo kay matthew?!" punong-puno ng galit kong sabi

Makatakas lang talaga ako dito, humanda kayo sa magagawa ko.

Biglang lumapit sakin ang lalaking nakamaskara at may hawak-hawak na babaeng namumula ang pisngi na para bang sinampal.

"Here's my surprise babe" nakangisi nyang sabi "pakasaya ka na muna kasama sila hah kunti nalang magpapalaam na sila" sabay lakad palayo.

Maya-maya ay mga dumating na lalaki at may hatak-hatak na tao.

Nilapag nila ito sa tabi ko at nginitian ako. Weird.

Nilingon ko kung sino ang mga dinala nila at laking gulat ko nang nakita ko ang mga taong importante sakin.

Para akong winasak at pinagsakloban ng langit at lupa dahil sa sakit, sa sakit na makita mo yung mga taong naging karamay ko, naging bahagi ng buhay ko, naging katuwang ko sa lahat ng bagay at nagpasaya sakin ay nahihirapan, nasasaktan at walang malay.

Ginising ko si Nicole na walang malay na nakahiga sa malamig na sahig, Nakita ko rin ang namumula nyang pisngi at ang mga braso nyang namamaga, naglaban siguro si Nicole.

"Dee gising" pumupungas- pungas syang dumilat, napansin ko ang kanyang kamay na hindi nakatali dahil nabugbog na ito pero ang paa nya ay nakatali. Tinignan ko naman si Lucas at iba pang boys ay puro bugbog sa buong katawan at ang mga girls ay nakatali at walang malay.

Umupo si Nicole at umiyak "dee wag kang umiiyak, makakatakas tayo dito" pilit ko syang pinapalakas hanggang sa huminto na sya sa pagiyak, napansin ko ulit ang psingi nyang namumula, naawa ako sakanya. Kahit natatakot ako, kailangang kong maging matapang.

"Dee asan si Josh at Matt, sila yung magkasama kanina, diba humiwalay sila satin?baka nakaligtas sila" mahina nyang sabi ngunit ramdam ko na determinado sya.

Unexpected TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon