Matt's POV
Unti-unting pumikit si trisha at nang tuluyan na syang pumikit ay napahagolgol ako sa iyak. Walang-wala yung sakit na nararamdmaan ko sa mga bugbog na tinamo ko.
bakit sya pa?
sa dinami-daming tao sa mundo, bat ang taong importante at mahal ko pa higit sa sarili ko?
Ilang minuto lang ay dumating na ang mga pulis at ang ambulansya. Hinuli ng mga pulis si Aaron at isinakay na si Trisha sa ambulance
"G*GO KA AARON, PINAGKATIWALAAN KA NAMIM! PERO ANONG GINAWA MO HAH?! SINAYANG MO LANG YUNG TIWALA NAMIN, KUNG MAHAL MO SIYA DI MO TOH GAGAWIN! PINATAY MO SYA! PINATAY MO ANG BABAENG MAHAL KO!" pinipilit kong kumalas sa pagkakahawak sakin ng mga kaibigan ko pero di ko magawa masyado silang malakas at madami "ano ba bitawan nyo ko!" sigaw ko sakanila "Matt di makakatulong yang galit mo, huminahon ka!" sigaw sakin ni Daryn "mauna na kami maam, sir" paalam samin ng isa sa mga pulis, nakita kong tumango si Gabriel sakanila "ano ba di pa ako tapos sa gag#ng yan!" sigaw ko sakanila.
Hindi nila pinansin ang sinabi ko, hindi ba nila naiintindihan na nag aagaw buhay si Trisha dahil sa walang hiyang lalaking yun??! Tang*na isipin naman nila yun.
"Ma'am, sir, kailangan po namin ng tig-isang representative para sumama saamin papuntang ospital at sa presinto" sabi ng isang nurse
Lumingon ako sakanila at nakatingin rin pala sila sakin.
Tinignan ako ni nix at sinabing "sige na sumama kana sakanya, si Josh nalang ang sasama sa pulis, susunod nalang kami para ipagamot yung sugat namin" nilingon ko si Josh at tumango lang sya sakin at ngumiti, ngumiti nalang ako ng pilit at sumakay na sa ambulansya.
Paano nila nagagawang kumalma sa sitwasyon namin? Tahimik lang yung mga babae at tulala.
Pinipilit kong magpakatatag at wag umiyak pero di ko na napigilan ang sarili ko na mapaluha.
Ang sakit makita yung taong mahal mo ay nag aagaw buhay at nahihirapan.
"Trish, mahal na mahal kita kaya please wag kang bumitaw, lumaban ka" hinawakan ko ang kamay nya at ang kanyang pisngi, hinaplos ko ito "lumaban ka para sakin, para samin" sa puntong yun hindi ko na napigilang humagulgol.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa ospital.
Agad-agad siyang ibinaba sa sasakyan at dinala sa loob ng ospital.
"Sir hindi po kayo pwede dito, mabuti pong pumunta na kayo sa nurse station para magamot ang mga sugat nyo"
Napaupo ako sa sulok at umiyak. Minsan lang ako umiyak ng ganto sa isang tao, lalo na sa babae.
"Panginoon, wag mo muna po syang kunin samin, mahal na mahal namin siya at di namin kakayaning mawala sya, lalo na ako, baka di ko kayaning mawala sya sakin" tumingin ako sa krus malapit sakin
Ang sakit! bakit ba lagi nalang mapaglaro ang tadhana?
Bakit kung kailan totoo na yung nararamdaman ko saka naman sya magkakaganyan?Maya-maya ay dumating na sila, nilapitan ako ni Jethro
"Wag kang magalala, walang mangyayaring masama kay Trisha" tumigil ako sa pagiyak "salamat, sana lang talaga"-ako "mabuti pa pumunta muna tayo sa nurse para magamot yung mga sugat natin" pagaaya ni lucas
Pumunta muna kami sa nurse at nagpagamot, pagkatapos nun ay bumalik na kami sa may emergency room, umupo ako sa mga upuan malapit sa pinto at naghintay
Napatayo ako nang biglang lumabas ang doktor
"Family of the patient?" agad akong lumapit sakanaya "Kamusta na sya doc? may nangyari bang masama?" hindi ko na napigilang magtanong
BINABASA MO ANG
Unexpected Truth
Fiksi RemajaIn the journey of life, we're all walking with the lights on our back and facing the darkness.