Chapter 2

49 3 0
                                    

Trisha's POV

Spell OA. T R I S H A.

*cling*

Nagreply na sya! Okay kalma Trisha'ng OA.

Huminga ako ng malalim tapos binasa ko na yung message nya and nakahinga ako ng maluwag nang ang chinat nya sakin ay like lang din. Nagreply ako sakanya and sabi ko "hi" *cling* "hello". Ayun lang yun? Di ba manlang sya magpapakilala? Bahala nga sya

Gabi narin at it's already 11:34 pm and kailangan ko na matulog 'cause maaga pa ako bukas.

...

Hmmmmm..... again umaga nanaman and I proceed to my routine, after that pumasok na ako sa school and just like before, ako nanaman yung nauna dahil ang aga aga pa psshhh 5:40 AM palang

Shet baka may multo dito "hay ghosts are not real trish" bulong ko sa sarili. Ilang minutes lang nabuksan na yung room and pumasok na ako. In-on ko na yung lights then dumeretso na ako sa upuan ko and naghead down. Nagmusic nalang muna ako para basagin ang katahimikan na kanina pa ako nilalamon ngayon ko lang din narealize na nakakabingi rin pala ang katahimikan, mas nakakabingi pa ito sa ingay ng mga malalaking speakers. Ilang oras lang may pumasok at nagkatitigan kami

Parang namula ata yung mga pisngi ko sa pagtitig nya,ilang segundo lang siguro ay umiwas na agad sya ng tingin napatingin nalang tuloy ako sa phone ko na kanina pa tumutugtog. Bakit sa dinami-daming kanta, ito pa yung kanta, bakit "Pangarap lang kita" pabulong na sabi ko sa sarili

Ilang oras lang dumating na sila pati yung adviser namin. Nagsimula na magdiscuss si sir at ito nanaman ako, lutang ang utak. Bakit ba ang lakas ng epekto sakin nung lalaking yun? Bakit ganun agad eh iilang beses palang kaming nagkasama at nagkakasalubong. Tsk hayaan ko nalang siguro napabuntong hininga ako nang marinig ko ang boses ni Daryn

"Trisha!!!! ano ba kanina pa kita tinatawag?! Nananadya ka ba?" sigaw na sabi niya "huh" sabi kong nagtataka "sabi ko kakain kaba o kakainin kita?" sarcastic nyang tanong sakin.

By the way siya rin yung isa sa mga friends ko at siya yung isa naming childhood friend ni Nicole.
Habang naglalakad kaming dalawa ni daryn nakasalubong namin sina Matthew, Stacy, Lucas at Nicole.

As usual tahimik si Matthew, sina Stacy at Lucas naman nagaasaran. Tsk para silang aso't-pusa at ito naman si Nicole tahimik at mukhang malalim ang iniisip.

Bakit nga pala parang may kulang? Bakit wala si josh? "teka nga Matt asan si Josh?" nagtatakang tanong ko kay matt "nandun sa canteen kasama si Aaron, nauna na" nakangiting sabi niya what?! bakit kasama niya si aaron? Bawal! nakakailang kumilos.

Napatingin ako sa tabi ko,kay Nicole. Mukhang masigla na sya ngayon kesa kanina? bakit kaya? "Nix" tawag ko sakanya "bakit?"nakangiti nyang sabi "umamin ka nga sakin, kahit sakin lang" seryoso kong sabi ngunit nakangisi "anong aaminin ko?" tumatawang tanong nya sakin "umamin ka sakin, may gusto ka ba kay Josh?" pangaasar kong tanong "A-ahh o-oo....WAG MONG SABIHIN HAH!" pasigaw nyang sinabi yung huli na parang di mapakali natawa nalang ako sa ikinikilos nya.

Nakadating na kami sa canteen at nakita namin agad sina Aaron at Josh. And as I expexted, di ako mapakali ano ba yan lalo na nung napatingin sya sakin, napatingin ako kina Nicole at Daryn na umiiling habang nakangisi

Lumapit ako sakanila at pinaghahampas ko sila "Ano ba wag nyo nga akong ginaganyan baka mahalata ni Aaron!" irita kong sabi sakanila "aayiiiieeee A.A.R.O.N." binanggit nila isa- isa ang letra ng pangalan ni aaron habang tumatawa.

Nangiinis lang sila eh. Umorder na kami at kumain na. Sa kinaswertehan ng buhay ko, nakatabi ko pa si Aaron at Matthew.

Shet minamalas nga naman oh kasi naman tong mga babaeng 'to eh, inuunahan ako sa pila. Wala na akong nagawa kundi umupo sa gitna nilang dalawa.

Bale ang pwesto namin ngayon ay si Aaron, ako, si Matthew, si Lucas, si Stacy at sa harap namin ay sina Daryn, Nicole at Josh. Huli ka Nicoleng! nakapuntos rin ako sayo, nabawian din kita  pero bakit ganon mas malala parin yung akin, dalawa eh. Katabi ko yung dalawa kong crush.

Di ako makakilos "guys CR lang muna kami ah?" paalam ni Nicole na ikinagulat ko "a-ah sige" tumayo na ako sumunod sakanya

Unexpected TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon