Chapter 12

19 2 2
                                    

Trisha's POV

Pagkatapos namin kumain, pumunta muna kami sa living room.

"Guys do you want to watch a movie?" my brother asked "sure kuya, ano namang movie?" tanong ko sakanya "horror" sabi ni Stephanie, tapang naman saan all "oo nga ate faith horror nalang" sabi naman ni Alyssa, its been awhile since tinawag nya akong ate

"Oo nga trisha" sabi naman ni Matthew "eh?" tumingin ako kay kuya, binigyan ko sya ng scared face, ngumiti naman sya sakin at lumapit sa tenga ko "don't worry baby girl it's just a movie" bulong nya sakin, tumango nalang ako sakanya at umupo sa tabi ni Matthew. To be honest, matatakutin kasi ako and there was a time that I had a nightmare after watching a Horror Movie.

Nakatingin lang kami sakanya habang naghahanap sya ng movie na papanuorin namin

Maya-maya biglang may nagdoorbell,

*Ding Dong*

Sino naman kaya yun? Anong oras na oh, sinong bisita ang bibisita ng gantong oras? "ah wait lang guys bubuksan ko lang yung gate" paalam ni kuya samin

Lumabas na sya ng living room, after 5 minutes nakabalik na sya, pagpasok nya, may sumunod sakanyang mga lalaki and famillar sila sakin, diba sila yung-----

"Hi Matthew" sabi ni Blake at lumapit ito kay Matthew "bro namiss ko kayo, kamusta na?" tanong nya, tumingin sya kay Kurt "bro long time no see ahh I mean no talk" sabi naman ni Kurt sakanya

Hah? 'Di ba sila nagkikita sa school? Of course I know them, schoolmates ko yang mga yan at kasection ko pa last year "mga sira 2 months lang yun 'no tas nagkita na tayo ulit" sagot ni Matthew "ikaw tong sira eh, 1 year ka kayang di namin nakita I mean nakausap kasi panay ang iwas mo kahit nagkikita tayo sa campus" sabi nya kay Matthew sabay batok.

"Aray" nakangising inda ni Matthew, sa totoo lang di bagay sakanya yung nakanguso, di ako nakocute-an eh "don't act like a girl bro, baka isipin naming bakla ka na" pang aasar pa ni Blake

"Magkakaibigan kayo?" tanong ni kuya sakanila "ahh oo gelo, dati pa" sagot ni Blake "eh ano naman kayo ng kuya ko?" tanong ko sakanila "kaibigan din" sagot naman ni Kurt "pano?" tanong ko "baby girl, remember magkaparehas lang tayo ng grade level?" sabi ni kuya sakin "college na sana ako ngayon, kung di lang kita love, di kita hihintayin eh" yah I know kuya, hinintay nya lang naman ako para daw may kasama daw syang pumasok at pumayag naman ang parents namin. Spoiled nga kasi diba

"Anong connect nun kuya? Di ka naman nag aral sa aragon academy ah?" takang tanong ko "nagaral ako dun 'no, last year" ayy oo nga pala dun sya nagaral nung third year sya, namiss nya daw ako eh."fine nood na tayo" sabi ko kay kuya "okay"

Umayos na ako ng upo nang biglang may nagdoorbell nanaman. Sino nanaman yun? "ako na ang magbubukas" sabi ni Matthew sakin "okay" ngumiti ako sakanya.

Maya-maya ay pumasok na sya with our FRIENDS?!

"Anong ginagawa nyo dito?!" takang tanong ko kina Daryn "sleepover, nainform na namin kuya mo at pumayag na sya" sabi ni Nicole sakin "okay" tipid na sabi ko "san naman kayo matutulog aber?" mataray na tanong ko sakanila "sa kwarto mo" sagot ni Iyanee "eh sa dami nyo ba naman satingin nyo kasya tayo dun" binilang ko sila

And to be exact 9 silang dumating hindi ko pa sinali yung mga kaibigan ni kuya dun

Sa totoo lang ayaw ko lang talaga magpatulog dun sa kwarto na nakaconnect sa room ko, baka kung ano pa isipin nila

Lalo na, na may mga collection ako dun na differents kinds of toys na bigay sakin nung bata pa ako.

"Hiwalay naman ang boys sa girls kaya kasya na kayo sa room mo, dun nalang kami matutulog sa room ko" sagot naman ni kuya sakin

"Ok" parang mahilig ako sa 'ok' ngayon ah "osya nood na tayo" pagaaya ni kuya, pinatay nya muna yung ilaw at umupo na sa tabi ko bale ang mga pwesto namin ay nasa pinakaedge ako at naasa gitna ako nila Kuya at Matthew.

2hrs din yung movie kaya ganun rin ako katagal na nagtatakip ng mukha. Kainis din yung sound effects, nagugulat tuloy ako. Hindi naman ako pinakikialaman nung mga katabi ko. At sa wakas tapos na rin yung movie

Binuksan na ni kuya yung ilaw

"oh baby girl, bat nakasiksik ka dyan kay Matt?" nakangiti sya sakin, aba nangaasar pa 'to ahh. Nakasiksik parin ako sa likuran ni Matthew kaya di nila makita yung mukha ko pero syempre medyo nakikita ko sila kasi medyo nakalabas yung kabila kong mata, gets nyo?

Nagtulug-tulugan ako nang tumayo si Matthew. Pakiramdam ko lahat sila nakatingin sakin "tulog ka ba talaga, Trish?" si Nicole yun "baka naman nagtutulog-tulugan ka lang" Sabi naman ni Daryn

"Shh tulog talaga yan" sa wakas may naloko ako! Ilang minuto rin silang tumahimik bago may lumapit sakin, kakargahin ata ako paakyat ng kwarto.

Pero napabangon ako bigla nang kilitiin ako ng magaling kong kapatid "sa susunod galingan mong umacting" sabi nya habang tumatawa. Kainis! Akala ko pa naman may maloloko ako "bakit? Natutulog naman talaga ako, kiniliti mo ko kaya malamang magigising ako" pag rarason ko pa "quit that baby, di mo ko maloloko" inirapan ko sya.

"Tara na, kumain na tayo sa room mo, nagpadeliver na ako ng food at pinaakyat ko na yun dun" sabi ni kuya sakin "bat ba sa room ko pa, pwede naman sa kwarto mo or sa guest room" totoo naman kasi eh, baka pagtripan pa ako ni kuya dun

"eh sa gusto ko dun eh" sabi nya sabay tayo.

"Halina nga kayo" sabi sakanila sabay hatak sa kamay ng kung sino man sya

Nakaakyat na kami sa hagdan at ngayon ay nasa harap na kami ng pintuan ng kwarto ko

"Ito na yung room mo?" tanong sakin ni Jade, parang magthothrowback ata 'to eh

"Obviously, kaya nga tayo nakaharap dito" sarcastic kong sabi "diba yung room mo may nakadikit na------" di ko na pinatapos ang sasabihin nya kasi mapapahiya lang ako "wag mo na ituloy, pinatanggal ko na yun last year" sabi ko sakanya sabay sama ng tingin para naman di na sumagot pa ng kung ano

"Ahh" oh diba sabi ko na eh, nadadala talaga yang babaeng yan sa tingin. Alam nang nandito si Matthew sasabihin pa ba yun?

Picture namin yun ni matt. Nakikita naman nila kuya yun minsan kaya tinatanong nila kung sino daw, sinasabi ko nalang crush ko kasi.. Basta

"Nasan na yung--" di ko nanaman pinatapos yung sasabihin nga kasi alam ko na hinahanap nyan, yung mga stuff toys ko

Eh kasi naman nilapat ko na yun dun sa room na connected sa room ko kaya medyo maaliwalas na tignan

"Dinispatcha ko na yun kaya wag mo na hanapin" hinila ko na siya papasok at sumunod naman yung iba

Umupo sila sa tabi ng mini table kung saan nakalagay yung food

At ito namang kuya ko nakahiga sa kama ko, parang nagtatampo pa ata, akala mo bata pa kung maginarte kaya ayan nilapitan ko

"kuya, matutulog ka na ba?" malamabing kong tanong "Oo bakit?" walang gana nyang sagot "tsaka dun kana sa BOYFRIEND mo" dagdag pa nya, talagang diniinan pa yung salitang BOYFRIEND "Kuya di ko sya boyfriend" mahinahong sagot ko "sure?" inirapan ko muna sya bago tumango "believe me kuya"

"Hoy anong drama yan hah? Nakabuntis ka ba Gelo?" tanong ni Kurt kay kuya "sino yan?" tanong naman ni Blake, nilapitan ni kuya yung dalawa at binatukan ng sabay "hoy mga sira, wala akong nabuntis 'no" tumatawang sagot ni kuya "ah akala ko nabuntis mo na si-----" di na natapos ni Kurt yung sasabihin nya dahil biglang nagsalita si kuya "halina nga kayo kumain na tayo, baka san pa mapunta yung usapan" sabi ni kuya sabay tingin ng masama kina Kurt at Blake

After 2 hours....

Hmmm nabusog ako dun ahh, medyo napatagal lang yung pagkain namin dahil nagkwentohan pa kami at nagpaorder pa ulit. Matatakaw eh

"Guys anong gusto nyong gawin?" tanong ni kuya sakanila "laro tayong Truth or dare" suggest ni Jade habang nakangiti and pumayag naman sila

Unexpected TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon