Chapter 10

23 1 2
                                    

Matt's POV

Mahigit 1 month nang comatose si Trisha after her operation and wala paring improvement sakanya.

Nag aalala na ako ng sobra dahil umabot na sya ng isang buwan, sana lang talaga magising na sya. Alam kong ganun naman talaga kapag nacoma pero kasi natatakot akong mawala sya. Hindi ko pa nga binagbabayaran yung ginawa ko, mawawala na sya?

"Hijo kumain ka muna baka magkasakit ka nyan, kami na muna ang bahala sakanya" tumango ako kay tita Janice at lumabas na ng kwarto.

Pumunta ako sa cafeteria at kumain na,

...

Pagbalik ko galing cafeteria ay pumasok agad ako ng kwarto.

Nakita ko si Nicole at Joshua sa tabi ng kama ni Trisha, pagsara ko ng pinto ay napalingon sila sakin.

"Josh anong balita kay Aaron?" tanong ko kay. Sana lang talaga mabulok na sya sa kulungan, sinaktan nya si Trisha pati na rin kami, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya

"Ayun nakakulong parin pero Matt halatang nagsisisi na sya at satingin ko ayaw ni Trisha na makita si Aaron sa kulungan, pag nalaman nya yun alam kong ipapaatras nya ang kaso" si Nicole ang sumagot sakin imbes na si Joshua "di nyo naiintindihan! Buhay ang nakasalalay kaya kailangan nyang magdusa" sagot ko kay Nicole. Gusto ko nang umiyak dahil sa galit at sakit pero ayaw kong ipakita yun ngayon.

This is what I hate the most, when my anger turns into tears.

"Matt matagal ko nang kilala si Trisha at kahit anong pigil mo sakanya di parin sya magpapaawat, kung anong gusto nya, gusto nya" sagot ni Nicole sakin, halata sa mukha nya na naiinis na sya "alis muna ako" ganon na ba sila ka-tanga para gawin ang desisyong yun?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa garden ng hospital.

Ang hirap ng wala sya, masaya sana kami ngayon kung hindi ginawa ni aaron yun. Pinagkatiwalaan namin sya pero anong ginawa nya? Sinayang nya lang yung tiwala na binigay namin sakanya.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko and I know who it is.

"About awhile ago--" panimula nya pero hindi ko pinatapos "wag mo nang isipin yun. I understand what you feel, pinsan mo sya at isa sya sa mga prinsesa nyo, nakakagalit talaga yung ginawa ko dati"

I stood up and went to Trisha's room.

When I opened the door, I saw them around the room including the doctor, her parents and our friends.

Chinicheck nya si trisha at kami naman nakatingin lang sa ginagawa ng doktor.

"Wala namang masama sakanya kaya wag na po kayo magalala, sadyang natagalan lang syang magising. Siguro po baka magising na sya tomorrow or today, sige po una na ako" nagpaalam na ang doktor samin at umalis na

"What happened?" tanong ko kay Joshua "gumalaw yung daliri nya kanina" napatango ako at tinignan nalang si Trisha. I hope you'll wake up as soon as possible, we miss you.

...

Gabi na rin and it's already 8 PM. Ayaw ko mang umalis sa tabi ni Trisha pero kailangan kong gawin yung mga assignments na pinagawa sakin ng adviser ko. Pinayagan kasi ako ng adviser namin na umabsent pero siguraduhin ko na magagawa ko yung mga task na ipinapagawa nya.

Umuwi muna ako para kunin yung mga papers na gagawin ko at nung paalis ako nakita ko si ate Vanessa sa sala at halatang gusto nya akong makausap.

"Ace can we talk" tanong nya sakin halata sa mukha nya na napakalaki ng problema nya, nako lahat naman ng problema pakiramdam nya malaki kahit ang totoo simpleng bagay lang naman talaga "sure ate what is it?"

"Next week na ang dating nina mom kaya kailangan na nating ipaayos yung room ni Andrew" sabi nya sakin, eh anong problema dun? "okay pa naman yung room ni Andrew ahh?" nagtatakang tanong ko sakanya "Andrew had grew up already and kailangan nakabase na yung room nya sa age nya, kaya please tulungan mo ako dahil di ko alam ang type ng mga boys kapag dating sa room arrangements" look how simple her problem is pero yung mukha nya daig pang nawalan ng pera.

"Sure I'll help you with that" sagot ko "thanks brother!" sabi nya sakin "I have to go, bye"

Dumiretso na ako sa grab na ibinook ko at umalis na.

Naisip ko rin na mabubuo na ulit kami, kasi kami lang naman ng ate ko sa bahay dahil may buisness yung parents namin sa ibang bansa.

Minsan nga pag uuwi ako ng bahay sobrang tahimik pero kapag dumating na si ate halos parang palengke na yung bahay dahil sa ingay nya, close kami ni ate, actually close kami magpamilya pero mas close parin kami magkakapatid

Ilang minuto lang nakadating na ako sa hospital

Dumiretso agad ako sa room ni Trisha at dun ako gumawa ng assignments ko

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko nagulat nalang ako ng biglang may tumawag sakin at laking gulat ko nang makitang gising na si Trisha

Bigla may pumasok sa pinto at nagulat din sila sa nakita nila

"Anak sa wakas gising kana" sabi ng dad nya at niyakap sya nito

"Tatawagin lang po namin ang doctor" pagpapaalam ni Jade, lumabas na sila ni Iyanee at nagtatalo pa, hay kelan ba sila hindi nagtalo

"Salamat hijo, di mo iniwan ang anak namin" sabi sakin ng mommy ni trisha "wala po yun" sabi ko sakanya "sige maiwan muna namin kayo magkakaibigan" sabi ng daddy ni Trisha

Lumapit si nix sakanya at niyakap nya si trisha "Dee I miss you"-Nicole "i miss you too dee, nasan sina Lucas, Jade, iyanee at yung iba pa, asan sila?" nagtatakang tanong ni Trisha kay Nicole "papunta na sila dito, hintayin mo lang" sa dami ba naman ng hinahanap nya masasabi ba yun lahat ni Nicole?

"May masakit pa ba sayo?" tanong ko kay Trisha, napalingon sya sakin "wala na naman" ngumiti sya sakin. Kahit 1 week lang kami nagtagal noon , nakita ko na kung paano magmahal ang isang Trisha Rivera.

Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor kasama na nun ang parents ni Trisha, umalis muna kami sa tabi niya para macheck sya ng doctor

"Pwede na syang umuwi sa friday, she need to stay here for about 2 days, kailangan pa kasi namin gumawa ng mga test para makasiguro kami" pagpapaliwanag ng doctor sa parents ni Trisha "sige po mauna na ako" lumabas na ang doktor at nilapitan sya ng mom nya "mom kamusta kayo?" tanong nya sa mom nya "okay naman kami anak at ako dapat ang nagtatanong nyan sayo, hindi na ba masakit yung sugat mo?" tanong ng mom nya "hindi naman na po mom" sagot naman nya sa mom nya "tsaka pala anak pasalamat tayo kay Matthew dahil di ka nya iniwan dito" tumingin sila mag-ina sakin at ngumiti

"Magpahinga ka muna anak para magkalakas ka agad" tumango si trisha at ipinikit ang mata nya

Napakaganda nila mag-ina, magkamukha talaga sila para tuloy silang kambal

...

Pinauwi na kami ng parents ni Trisha para daw makapagpahinga kami kaya ito ako, nakahiga na sa kama ko.

Time Check: 10 PM

I'm glad she already woke up, kahit papaano gumaan na yung kalooban ko.

Tonight, I'll sleep with a smile on my face.

_____________________________

Sorry natagalan yung update ko, walang wifi dito sa province eh, hirap din magpaload. Anyway, keep safe everyone!

-Trishyyy
_____________________________

Unexpected TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon