"Hi acky!" Bati agad sa akin ng mga nadadaanan ko,hindi ko alam na ang big deal pala ang pag sali ko sa volleyball team kaya ganon nalang bigla ang treat nila sa akin, nakakailang nga minsan eh yung bigla nalang may susulpot sayo at bibigyan ka ng sari sari? Nakakayamot na nga minsan pati locker ko tinadtad na nila ng mga kung ano ano.
"Hello guys!" Pinasigla ko nalang ang boses ko ayoko namang isipin nila na ang sungit sungit ko. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad nakakainis pa nga naiwan ko yung hoody ko wala tuloy akong pantakip sa mukha ko.
"Acky!" Napatampal naman ako sa noo ko,patay! Takbo acky! Sigaw ng isip ko pero ng mag sisimula palang ako bigla na niyang hinablot ang braso ko awtomatiko naman akong napalingon sa kanya,so what now acky?
"B-bakit?" Naiilang na kinakabahang tanong ko, a sweet smile form to her lips pati dimple kitang kita sa...oo na maganda siya! Her name is... Lovely?
"Iniiwasan mo ba ako?" Hindi ba halata? Kinawit pa niya ang kamay niya sa braso ko di ko tuloy maiwasang mailang sa kanya, hindi naman sa ayoko sa kanya okay? At sa totoo lang siya ang QUEEN BEE ng school na ito, maganda, matalino, matangkad at higit pa ang dami ng nanliligaw sa kanya..pero bakit ako pa? I mean gustong gusto ko tong sabihin sa kanya eh... Bakit ako? Hindi naman ako lalaki! At god! Straight ako as in! T-U-W-I-D gets? Pero hindi parin nya ako tinatantanan..kainis!
"Busy lang ako lovely" palusot ko kahit na kakabreak palang namin sa mga practice mag sisimula na uli ang practice namin bukas na bukas. Siguradong..hays.. Kung hindi ko lang talaga mahal ang pag bavolleyball matagal ko ng iniwan eh. Nakakainis narin kasi minsan ang mga taong umaaligid sa akin,hindi ko nga alam kung anong meron sa akin kung bakit ganon sila, Alam ko naman na maganda ako, magaling? M-medyo sapat na ba yun para dumugin ako? Haler! Di ako kasing galing ni allysa Valdez! Hindi din ako artista para dumugin!
"Eii! Acky naman eh hindi mo na ako binibigyan ng time" napabaling ako kay lovely na todo na makanguso sa tabi ko, nasa daan pa pala kami at ang dami ng nakakatingin sa amin yung iba nag bubulungan tapos meron pang kinikilig, napailing nalang ako she prentend like my girlfriend like ugrhh! I realy dont understand kung anong nakita niya sa akin kung bakit sa ganda niya maganda din ang hanap?hehe
"L-lovely? H-hindi naman tayo ah.."mahina at malumanay na boses na sagot ko sa kanya pero talagang hindi siya nakakaintindi at nginitian pa ako
" oo hindi pa.."using her flerting voice at tiningnan ako, Yun na naman ang titig niya na nakakailang,pakiramdam ko kasi ang lagkit niyang makatingin sa akin
"Ah..alis na ako lovely"ngiwing hinablot ko na ang braso ko at dali dali ng nagtatakbo patungo sa building namin naririnig ko pa na may sinasabi siya pero hindi ko nalang siya pinansin pa.
Malakas na buga ng hangin ang pinakawalan ko ng makarating na sa wakas sa classroom ko.
Grade 12 na ako last nalang to makakagraduate narin ako. Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero di parin pala nag tatapos..
"Aaaacckkkyyy!!!" I mentally slap my head, really? Kaylan ako bibigyan ng hustisya?
"We love you Acky hansen brooklyn!" Sigaw na naman ng mga kaklase ko, puro babae na nag titilian sa harapan ko, hindi ko talaga alam kung anong meron sa akin at pati mga babae nag kakagusto sa akin. Pilit akong ngumiti sa harapan nila hindi ko nga alam kung ngiti iyon o ngiwi wala na akong inaksayang oras at dali dali na akong naupo sa usual na upuan ko.
Uwian na dali dali akong tumayo at isinuot ang cap na hiniram ko kanina kay niks. Sa likod na ako dumaan para di na ako mapansin ng iba pa, safe naman akong nakalabas hays...
Wala akong sundo kaya mag ko- commute nalang ako sakto pangat kakaunti palang ang lumalabas sa amin pero yung katapat lang namin na univ. Labasan na, may katapat lang kasi kaming university parang kakambal nitong St. Melendes I Univ. Kasi iisang angkan lang ang nag pagawa. Nag hihintay ako ng masasakyan ng mapadako ang tingin ko sa kabilang school, siguro naman di nila ako kilala? Inangat ko ng kaunti ang hood na suot ko para makakita ng ayos
Na dapat di mo nalang ginawa..
Naagaw ng pansin ko ang isang babae na kalalabas lang ng gate... biglang bumagal ang lahat ang daming tao sa paligid pero ang wirdo at sya lang ang nakikita ko, her beautiful ocean blue eyes captivated me nakakalula siyang tingnan her face..her goddess face ang ganda niya sobra,hindi ko alintana ang nakakasagi sa akin sa kanya lang ako nakatingin kahit parang bangin ang pagitan namin, yung mga kilos niyang nag iislowmotion sa aking paningin ang ngiti niyang nakakapanlabot ng tuhod...
What the f!?
Ano yun? Natauhan lang ako ng sumakay na ito ng sasakyan niya at hanggang sa umandar ito paalis nakasunod lang ang humahanga kong mata sa kanya hanggang sa nag laho na ang sasakyan sa paningin ko.
god! what is this?
Who's that girl?
BINABASA MO ANG
secret loving you (gxg)
Romancebiglang bumagal ang lahat ang daming tao sa paligid pero ang wirdo at sya lang ang nakikita ko, her beautiful ocean blue eyes captivated me nakakalula siyang tingnan her face..her goddess face ang ganda niya sobra,hindi ko alintana ang nakakasagi sa...