"Anong nangyare dyan?" Tukoy nya sa braso ko na namumula.
"Wala to" sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya kinakabahan ako alam ko kasi..
"Isa sasabihin mo o dadagdagan ko!?" Ayan na ayan na po
"Ah.." Pasimple akong lumingon kay ate bella but she look and smile like goofy and mouthed 'patay ka' at me tapos tumawa na.
"Ano Acky hansen brooklyn!?" Sigaw na niya napatingin pa sa amin ang ibang ka team mate tapos nag si hagikhikan,arrggh!
"P-pinangharang ko sa..sa b-bola" umiwas ako ng tingin sa kanya at ngumuso,totoo naman eh kung di ko hinarang braso ko edi mukha ko yung tinamaan baka nga dugo pa ilong ko.
"Patingin" hinablot nya yung kamay ko saka ako napangiwi dahil ang hapdi bess! Huhu
"Dahan dahan naman po boss" naka ngiwing sabi ko pinaningkitan nya lang ako ng mata kaya napaiwas na naman ako,kaya ayoko ng nasusugatan ako eh ganito to.
"Gagamutin ko yan tara na! Di kasi nag iingat naku acky ah sinasabi ko sayo..." At yun po hinila nya na ako habang tuloy tuloy siya sa pag sasalita , panenermon sa akin daig nya pa nanay ko ganito talaga si yhum lagi akong pinapagalitan at aaminin ko nakakatakot talaga siya lalo na sa mga bagay na ganito sesermunan talaga nya ako, knowing her shes not like a 'bestfriend' for me, oy di more than bestfriend yung tinutukoy ko , i mean she's the best of best, best friend, sa team kami ang pinaka close sa lahat minsan nga pinagkakamalan na kaming mag girlfriend eh dahil may time talaga na sobrang sweet nya sa akin tapos clingy pa kaya madalas kami ang galaw ng ka team mate namin pero wag ka pag yan nag seryoso kabahan kana dahil—
"Ouch! Huhu tama.. No! No! W-wahhhhhh mamaaaaa!!" Maiiyak na ako shit! Ayoko ng alcohol! Lalagyan nya eh sobrang sakit nun!, di nya natuloy yung pag lalagay at parang matatawa pa na tumingin sa akin pero pinaseryoso parin ang mukha.
"Brooklyn ah, ang OA mo di ka naman mamatay dito saka hihipan ko naman kaya wag na malikot kasalanan mo naman yan!" Yan na ako na nasaktan ako pa napagalitan hustisya po? Mariin nalang akong napapikit tapos ang higpit pa ng pag kakakuyom ng kamay ko...
"Oww! Shit!! Damn! Damn!" Napapa angat ako sa pag kakaupo ng ibuhos na niya yung alcohol sa sugat, ayoko mag mura pero t*ngina llljknmkdld!!! ANG HAPDI!!!
hinihipan nya naman pero ang hapdi parin buti nalang wala ang team dit—
"What happen— pfffff hahaha" - ate bella tawa agad siya ng makita ang mukha kong di maipinta, ang hapdi parin po!
"Bakit ka po sumigaw?" Ayan nag datingan na! Yung nag salita si aira yun sumunod na dumating sina ate vera at si kim na nag tatawanan na naman pinag tatawanan ako!
"Gago ka kala namin kinakatay kana dyan ang lakas ng sigaw mo hahaha abot sa labas!" Ate very napa nguso naman ako mga walang kwentang kaibigan! Sa team talaga kami ang mag babarkadang anim pinaka bata sa amin si aira na grade 11 palang sumunod si kim grade 11 din sunod na ako na grade 12 halos sunod sunod lang kami next si yhum at kim na second year college at last yung dalawang hinayupak na pinag tatawanan talaga ako si ate vera at ate bella mga pa graduate na lagi nalang ako pinag tripan ng dalawang yan!
Napa nguso ako di kasi ako tinitigilang tuksuhin na kesyo takot daw ako sa alcohol , yes inaamin ko naman talaga yun maka kita palang ako nyan feeling ko namumutla na ako "yhum tingnan mo oh inaaway nila ako" nag papacute na sumbong ko kay yhum na alam ko namang umipekto dahil ngumiti siya sa akin, hehe lagot kayo!
"Wag nyo ngang pag tripan si acky! Kayo lumpuhin ko dyan makita nyo!" Ayan na! Natahimik whahaha! Wala talagang tatalo sa bestfriend ko tahimik sila ahhahaa takot din naman, naka nguso si ate vera at ate bella na may pabulong bulong pa natatawa ako kasi para talaga silang bata hahaha dinaig pa kami eww sagwa!
BINABASA MO ANG
secret loving you (gxg)
Romancebiglang bumagal ang lahat ang daming tao sa paligid pero ang wirdo at sya lang ang nakikita ko, her beautiful ocean blue eyes captivated me nakakalula siyang tingnan her face..her goddess face ang ganda niya sobra,hindi ko alintana ang nakakasagi sa...