Kinabukasan ang aga ko gumising,hindi ko alam pero parang may kung ano sa tiyan ko at kahit anong gawin kong pag balik sa pagtulog bigla bigla nalang akong magigising kahit antok na antok pa ako.Wala na akong nagawa kundi ang bumangon na at gawin ang morning ritual ko para makapasok na sa school at isa pa 3 subject lang ang maattend ko dahil may practice kami sa kabilang univ.
Speaking of kabilang university posible kayang makita ko siya? Yung babaeng tatlong araw ko ng inaabangan sa tapat ng university namin,yung aksidenteng nahagip ng mata ko?
Pag nakita ko sya anong gagawin ko?,aalamin ko yung pangalan niya at sana...kung sana lang makita ko talaga siya sa loob ng campus nila alam ko namang malaki iyon..nag babaka sakali lang diba?
"Are you with me!?" Biglang sigaw na naman ng teacher namin sa CNF nakakagulat naman kasi siya pag binibigkas nya yun
Yung tipong parang hinehele kana sa lambing ng boses niya bago lalaksan ang boses at itatanong kung nakikinig ba kami? Bigla kanalang mapapayes!
"Yes! Maam!" Agaw pansin na naman ang masiglang boses ni aljon na halata naman na ang pula pula na ng mata at kagagaling lang sa pagtulog,..tsk! Agang aga tulog! Sabagay di ko naman siya masisisi dahil nakakaantok nga naman magturo si mrs. Lambini, see? Pati apelyedo dinala sa malambing niyang boses.
After my 3 class nag punta na agad ako sa locker, luckily walang tao sa pathway dahil wala pa namang tapos na class ngayon kaya inalis ko na yung hood na suot ko.
"Wow di late si magnet!" Sigaw ni ate clariss ng maka rating ako ng gym. Napapailing naman na ngumiti ako sa kanilang sa akin na nakatingin
"Hi acky!" Bati sa akin ni yhum at sinugod agad ako ng yakap gumanti naman ako sa kanya,yung ngiti na naman niyang ang sweet sweet tingnan sa kanya ang sumalubong sa akin
"Ahem! Oh tama na may queen bee na ehh" si ate vera naman na mag kasing tangkad lang sila ni yhum pinaka matangkad kasi sa amin si bella yung middle blocker ang lakas din ng babaeng yun.
"Anong queen bee kayo dyan,gago walang ganon!" Natatawang sagot ko,alam kasi nila yung..hays.. Pag aaligid sa akin ni lovely, sinabi ko na sa kanyang tigilan niya ako kasi nga str- argh! Never mind!
"Ayaw mo nun acky! Ang ganda na nun tinatanggihan mo pa" sabat naman ni glex na parang kagagaling lang sa locker room at sinusuot na yung Jersey jacket niya na may apelyedo niya sa likod.
"Heh! Glexy tigilan mo ako isa ka pa!" Nag inis inisan naman ako at sinuot narin ang jacket ko na may 'brooklyn' sa likod at number 4 suot ko narin sa pang ilalim yung jersey ko habang naka jacket at pants na usual na sinusuot ng mga athlete.
"Guys lets go medyo late na tayo" sigaw ni couch sa likod namin buti naman at sinasabon kasi ako ng mga kasamahan ko, lagi nalang akong pinagtripan tsk!
Nag lakad nalang kami palabas ng campus tatawidin lang naman namin yung kabilang campus kaya binitbit nalang namin ang mga gamit namin,buti nga at may class lahat eh..
Di ko maiwasang kabahan ng makarating kami sa campus actually first time ko lang makarating dito.. Halos mag kasing laki lang ng university Namin to
Iginala ko ang paningin ko sa kabuoan ng lugar suot ko narin yung kulay white kong cap na nike ang style tinago ko talaga ang mukha ko dahil ang init din saka agaw attention na kami sa mga estudyanteng nasa labas
Hanggang sa makarating na kami sa loob ng gymnasium nila
"Woooaahhh, may concert ba?" Pabirong sabi ni bella, Napa tingin din ako sa mga tao na nasa loob ng gym nila,wala ba silang klase? Tanong ng isip ko ginala ko ang tingin ko sa mga estudyanteng nandun hopeful na baka nandito ang hinahanap ko... Pero wala naman..
BINABASA MO ANG
secret loving you (gxg)
Romancebiglang bumagal ang lahat ang daming tao sa paligid pero ang wirdo at sya lang ang nakikita ko, her beautiful ocean blue eyes captivated me nakakalula siyang tingnan her face..her goddess face ang ganda niya sobra,hindi ko alintana ang nakakasagi sa...