Chapter 7: Ron
Emizz's P.O.V.
"Anong pinagsasabi ng lalaking iyon ha? Emizz, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Ano yun?" gulong tanong ni Tap nang matapos ang klase namin. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Madaming tao pero hindi na namin iyon ininda.
" K-kasi..." nahihirapan pa akong mag-explain sa kanya e. Nakakahiya kaya na sabihin iyon lalo pa at ang daddy mismo ni Ellie ang nagsabi and what's worse is that, we have no choice but to respect it. "Kasi... we don't have no choice. "
Mas lalong naukot ang mukha niya sa sinabi ko. Napainom na lang ako ng juice na hawak ko at napalunok na lang. Tap will never understand unless I explain pero ang hirap iexplain e.
" Tap naman kasi e. Prine-pressure mo ako, hindi ba pwedeng napilitan lang ako kaya ganun?" pagpupumilit ko sa kanya.
" I'm still not convinced. Kailan, Saan, paano, at more importantly bakit?" parang detective lang na tanong niya. Ishhh! Para naman ktong kuya ko e. Nakakainis, andaming tanong e. Hindi ko na kaya!
" Remember noong pinatawag ako ng president?" pangunguna ko. Tumango naman siya pero bigla ulit naglukot ang noo.
"Tss. Anong kinalaman ng president dito? Ang gulo!" tugon niya sa akin. Hindi pa nga kasi nakakapag-explain e.
"Pagsalitain mo muna kasi ako. Inuunahan mo naman kasi ako e. Okay so ganito yun—" magsasalita na sana ako nang magsalita na naman siya.
" Siguraduhin mong macoconvince mo na ako. Kung hindi, hindi kita papansinin ng isang—" hindi na siya nakapagsalita ng pingutin ko ang tenga niya. "Okay-okay magsalita ka na.
"Yun naman pala e. Yun nga the president wants me to be Ellie's date and wala kaming magagawa dahil nga sa order iyon. Isa pa, kinausap niya si mom kaya ayon no choice na talaga kami. Nakakainis lang. " dire-diretso kong pagpapaliwanag sa kanya. Naaalala ko na naman ang araw na iyon sa elevator. Eeeeehh kinikilabutan ako. Arghhhh.
" Bakit naman gagawin ng president iyon?" tanong niya pero hindi ko na sinagot at kumain na ako. Tinignan ko siya at nagsimula na rin siyang kumain. "But I guess I need to find my own date. "
Kumain lang kami ng parang walang nangyari. Nakabibingi ang katahimikan sa aming dalawa nang biglang lumapit sa amin si Bielle. Umupo siya sa tabi ko kaharap si Tap na siyang ikinakunot naman ng noo ni Tap. Hindi pa rin sila okay.
"Mind if I join the two of you?" tanong niya pero busy ako sa pagkain ko kaya mag-usap silang dalawa. Wala akong pake.
"Mind if I join you? Eh! nakaupo ka na e. Ano pa bang magagawa namin?" depensa naman ni Tap sa kanya. Tila nag-uusok na ang ilong nito.
" Ooops, S-sorry. " tinakpan pa ang bibig niya na parang hindi niya iyon sinasadya. " by the way Emizz, We need your story for the theatre tomorrow. Remember we only have 30 days to practice and we want to know what kind of story it is para sa audition. "
Tomorrow? Wow. Parang andali lang gumawa. Parang kanina lang nila sinabi iyon a. Bakit ba kasi ako ang napiling gumawa ng story? Sino na naman ba ang may pakana sa lahat ng ito? Mapapatay ko yun.
Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya at nagpatuloy sa pagkain ko. Si Bielle naman ay inilabas ang pagkain niya habang si Tap ay bwisit na bwisit na kinakagat ang hotdog na baon niya.
" Hmmmm, Tap?" tugon ni Bielle na siyang nagpatigil sa akin. Tinignan ko si Tap at kita kong tumingin siya dito. "Can you please buy some drinks for me? Please?" Ngumiti pa ito ng napakatamis. Yung nakakabwisit na ngiti niya. Tss.
"Why don't you buy yourself? Remember you have feet and hands, you can also talk. Don't tell me baldado ka na?" walang reaksiyong tugon ni Tap sa kanya habang nakafucos ang tingin sa pagkain niya. Tinignan ko naman si Bielle at tila napahiya siya sa kanyang mukha. Parang natatawa na lang ako sa kanila.

BINABASA MO ANG
Heartbeats
أدب المراهقينWhat does our heartbeats want us to hear? Plagiarism is a crime. This is a work of fiction. The names, the places, and events are just a product of the author's mind.