Chapter 11- Change Story

7 1 0
                                        


Chapter 11: Change Story

Emizz's P.O.V.

It's really funny how my life is. Kanina nasa kwarto lang ako at umiiyak kasama si yaya pero ngayon nasa isa na akong 24/7 cafe called Cafe Diem. Nakakainis kasi ang lalaking iyon. Ano ba ang gusto niyang sabihin at gabing-gabi ay pinapapunta pa niya ako dito.

***

*FLASHBACK*

09********* is calling...

I immediately answered the call nang makita kung kaninong number iyon.

"What do you like?" agad na sumbat ko sa kanya.

" Chill! Parang kanina lang, okay tayo sa library tapos ngayon galit ka na naman sa akin. May period ka ba?" sagot niya na may halakhak pa. Napasimangot na lang ako doon. Nakakatawa? Ano ba kasing gusto niya at bakit siya napatawag?

"I'm in the bad mood. So please end the call if you don't have something important to tell. " ani ko.

" Bakit hindi ka sumipot kanina sa meeting? I was expecting you. " Tanong niya. Expecting me? Bakit? Anong ganap?

"You don't have to mind it. Tsaka expecting? Bakit?" tanong ko sa kanya.

" Meet me. Now!"

"What?"

Hindi na ako nakatanong sa kanya nang ibinaba niya ang phone niya. Ano bang problema? Tsaka ano bang ginagawa niya? Hindi ko siya maintindihan? I doubt kung anong gusto niyang sabihin at gusto pa niya akong palabasin sa ganitong oras. Matutulog na sana ako dahil wala akong balak pumunta nang biglang tumunog ang phone ko.

From: 09*********

Cafe Diem. Now.

***

" Nasaan na ba ang lalaking iyon?" tanong ko sa aking sarili nang matapos ibigay ng waiter ang order kong milk frappé. Hayssss!

I take a sip from my drink bago binalingan ang phone ko. Sabi niya 8:30 pero anong oras na? 9:00! 30 minutes siyang late. Kung maka-Now sa message akala mo nandoon na pero anong oras na wala pa rin siya. Sabi na nga ba matutulog na lang ako.

"Sorry we're late. " Naningkit agad ang mata nang magsalita ang isang lalaki sa harapan ko. Akala ko ba kaming dalawa lang ang magkikita? Mabilis ko itong tinignan nang may galit na mukha dahil sa pangugulo niya ng gabi ko. " I came 15 minutes away from here and I need to go get Ron from his place. And also Althea. "

" Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo at pinapunta mo pa ako?" tanong ko sa kanya. As usual kasama niya si Ron at isang babae na todo ang pulupot sa kamay niya. Althea right? So, siya ang sinasabi niyang 'I think I found her'. Well, bagay sila.

"Hi!" mahinhing sambit ng babaeng ang pangalan ay Althea sa akin kaya nginitian ko lang siya ng kaunti. Wala namang mali sa kanya, it's just todo lang siya sa pulupot kay Ellie. Haissst Landi!

"Nice seeing you again Emizz. Sorry kung naghintay ka ng matagal dahil sa amin. " sambit ni Ron sa akin.

"It's Okay Ron. Ano ba kasing ganap?" tanong ko sa kanila pero ni isang salita ay wala akong narinig.

Ilang minuto pa ang nakalipas at tanging tinginan lang ang aming ginagawa. I stood up to Ellie's face and there is smile drawn to it nor grin I should say. Then I saw Ron's clueless and sleepy face. Lastly, The girl named Althea; she got the most innocent face I've ever seen. I don't know why pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kung hindi lang talaga siya nakapulupot sa braso ni Ellie haissst! Teka! anong problema doon?

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon