Chapter 12- Date???
Emizz's P.O.V.
"Zero Hours!" tugon ko habang binabasa ang nakapaskil sa harapan ng bar. Namiss ko sila! Namiss ko ang mga kabanda ko dito. "Bakit tayo nandito?"
"You'll guess!" sagot niya at ngumiti bago pumasok sa loob.
I am really excited nang pumasok kami sa loob ng Zero Hours. Hindi ko aakalain na dito ako dadalhin ni Ellie. I really miss them so much. Coby, Rain, Ayesha and Teikie. Tell me, kelan pa noong last na bumisita ako dito? Noong may issue pa ako noon kay Ellie, and who knows na after that incident kasama ko pa si Ellie na bibisita ngayon dito. Sinalubong kami ng madaming nagkukumpulang mga tao nang pagdaan namin sa entrance palang.
"Anong meron? Bakit napakadaming tao?" tanong ko sa kasama ko nang makapasok kami. Sobrang dami kasi ng mga guests ngayon magmula sa labas hanggang dito sa loob.
"You'll know. " tipid lang na tugon ni Ellie tsaka kami naghanap ng seats. Pagkaupong-pagkaupo namin ay eksakto namang dumaan si Coby.
" Emizz?! Oh my Gosh! ikaw nga! Emizz, hindi mo sinabing dadalaw ka sana man lang ay naghanda kami." hindi makapaniwalang muntawi nito sa akin. Agad siyang lumapit sa amin at nagyakapan kami. "Teka, ano nga palang ginagawa mo dito and, that guy. Teka, you are Ellie Madrid Jhensen right?"
"I am. " tipid na sagot ng kasama ko kasabay ang paglahad nito ng kamay na siya namang kinuha ni Coby.
"Nice to meet you. So anong ginagawa niyo dito? " may kung anong tanong ni Coby sa aming dalawa ni Ellie. Nakakaloko pa ang ngiti nito sa amin kaya mas lalo lang akong nakailang. " date? "
Sa sinabi niyang iyon ay lalong kumabog ang nasa dibdib ko. Alam kong iyon ang sasabihin niya pero may part sa akin na gusto ko iyong marinig galing kay Coby. Napaisip naman ako. Date nga ba ito?
"N-no! I mean Hindi, I was just in a bad mood so he offered something to chill me ou—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita si Ellie.
"Yes." Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam ngunit nabigla ako sa sagot niya. Napatingin ako sa kanya at may nakaguhit na ngiti mula sa labi niya. Nagkibitbalikat pa siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. What are you thinking Ellie Madrid Jhensen?
"Ayieeee! ikaw ha? Emizz. Nagtatampo ako. Hindi ka man lang nagkukwento sa amin." tugon ni Coby na siyang nakapagpabalik sa aking ulirat. Nihindi ko nga rin alam ang nangyayari. " By the way Emizz. Kakanta ka?"
"Y-yes please. " sagot ko na lang. Hindi ko na kaya ang atmosphere dito parang napakabigat. Shame Emizz. Shame. Nakakahiya parang napakaawkward sa aming dalawa ni Ellie kapag kaming dalawa na lang dito. "Ok, we'll call you out. Enjoy your date Emizz. " sabi niya bago umalis.
"Ikamusta mo ako sa kanila. "
Ilang minuto din ang nakalipas magbuhat nang umalis si Coby ay hindi ko matignan ng maayos si Ellie. I know I am being awkward this moment but everytime na makikita ko ang mukha niya hindi ako makahinga. My heartbeats are beating so fast that I can't breathe already.
" So" paninimula ni Ellie sa usapan namin. I don't know what to do in this kind of awkwardness. Mas lalong kumakabog ang puso ko kapag tinitignan ko pa and the thought na date pala itong ginagawa namin makes me feel uncomfortable. " I didn't know na kilala ka pala dito sa zero hour."
"Actually, I am a member of their band. Kami ang nagpatayo nitong bar so nagulat ako nang huminto tayo dito. I really miss this place. Antagal din noong last na nakapunta ako dito. " pagpapaliwanag ko sa kanya. Napapatango-tango lang siya sa aking sinasabi. Inilibot ko ang aking mata sa paligid tsaka ako napangiti. I didn't know na makakapunta ako ngayon dito.

BINABASA MO ANG
Heartbeats
Teen FictionWhat does our heartbeats want us to hear? Plagiarism is a crime. This is a work of fiction. The names, the places, and events are just a product of the author's mind.