Chapter 8: Script
Emizz's P.O.V.
Nandito kami ngayon sa theatre room para sa audition ng magiging member ng theatre na gagawin namin. Inaantok pa rin ako dahil nga hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil kailangang tapusin ang script na gagamitin para dito. Pinacheck ko pa ito sa adviser namin tapos ay nagrevise pa ako. Buti na lang at konti lang ang pinapalitan sa akin.
" Magaling ha? Hindi halatang nag-cram ka?" sarksatikong bungad sa akin ng kapatid ko. Nakaupo kasi ako dito sa harap dahil isa ako sa kinuha ni Ellie na magjujudge.
Speaking of Ellie, may atraso pa sa akin yun.
" Ako pa? Ano pa't naging Elizalde ako kung hindi ako magaling. " bulong ko sa kanya. Nginisian lang niya ako. Patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng script namin habang ako ay inip na inip na at gusto ko nang matulog dito sa upuan ko.
Sinunod ko ang sinabi ni Ron sa akin. Love and fantasy will always work not just in the eye of the children but also in the eye of adults. I made it simple yet interesting, eye-catching I should said. A devil god fall inlove to an innocent human.
" Well, it looks great but have you imagined how to create those special effects? Remember Emizz, it is a theatre act hindi iyong napapanood sa T.V." ani niya.
Nginitian ko lang siya bilang tugon.
"Sa pagkakaalam ko, script writer ako dito. No one told me to be the animator o special effect director. I am not the one who will problematize that problem. I've done my part anyway. " sagot ko. Nginisian lang niya ako bago nagpatuloy sa pagbabasa.
Ilang saglit pa ay dumating na rin si Ellie kasama ang dalawa pang lalaki na umupo sa tabi ko. Umupo naman siya sa pagitan namin ni Bielle.
" That is Jhonny." ani nito sabay turo sa lalaking kasama niya na nakaeyeglass. " He is the one responsible for the effects and everything in the stage. "
"H-hi!" sabi ni Johnny at inabot niya ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman ito at nakipagshake hands.
" Joey is the other one. He is responsible for the music that we will use for the show. " Tinignan ko si Joey at tumango lang ito sabay lagay ng headset sa kanyang tenga.
" Let's start." Ellie said.
Pumasok ang isang babae na nakasuot ng nerdglass sa stage. Nagpakilala ito at umarte ayon sa ibinigay naming part ng story na ginawa ko. Ganoon din ang ginawa ng iba. May iba na nagpapatawa, mayroon din ang mga seryoso ang kanilang ginagawa. Matitignan talaga kung sino ang magaling umarte at ang mga pasang-awa lang.
"Thanks God it's done. " bulong ko sa sarili ko nang lumabas ang pinakahuling tao na nag-audition. Nakakabagot lang. Paran gusto ko nang ipikit ang mata ko nang dahil sa mga pinakita nila.
" You think, how many of them is qualified?" tanong ni Ellie sa akin.
Nag-isip pa ako ng konti bago ko siya sinagot. Inabot ko sa kanya ang listahan ng mga taong nakuha ang atensyon ko at tumayo na.
"I listed those person who I think they deserve to be part of the team." I said Inabot niya ito at naglakad na ako papalayo. " May atraso ka pa sa akin. "
Naguluhan siya sa ainabi ko kaya't nginitian ko na lang siya bago ako lumabas at pumunta sa cafeteria. I saw Tap eating sandwich in one of the table kaya lumapit na ako sa kanya. I need to refresh. I need to get myself up. Nakakabagot manood ng audition but It's pretty interesting.
"So how's the audition?" he asked.
"It's good. " tipid kong sagot at kumuha ng fries sa pagkain niya.
BINABASA MO ANG
Heartbeats
Teen FictionWhat does our heartbeats want us to hear? Plagiarism is a crime. This is a work of fiction. The names, the places, and events are just a product of the author's mind.