Chapter 1- Hello! Hell You!

16 2 0
                                    

Chapter 1- Hello! Hell You!

Emizz's P.O.V.

"the answer is -0.9874638272628478..." dinig sa loob ng classroom namin ang boses ng aming guro. Tila kami nanunood ng chinese movie na walang subtitles sa ginagawa niya. I hate Math, and I hate numbers. Napapailing na lang ako sa aking nakikita -nakakahilo. "Emizz solve this. "

Napatigil ang paggalaw ng lahat ng parte sa aking katawan. Totoo ba ang narinig ko? Binanggit niya ang pangalan ko? Bakit sa dinami-rami ng pagkakataon para mapansin niya ako, ngayon pa na papasagutin niya ako ng problem na hindi ko man lang alam kung paano susulusyunan. "Miss..."

"Go Emizz!"
"Waaah Aja Aja"
"Chicheer kami"

Nanigas pa ako sa mga sinasabi ng aking mga kaklase. Dahan dahan akong tumayo at nagpunta sa harapan. Nakangiwi pa akong kumuha ng chalk at hinarap ang aming guro.

"Ok ready ka na? this is the problem, 0.94857272626+0.53326222 over 2" Sinulat ko ito sa pisara at inumpisahang magsolve.

0.7409171

"Hindi Tama" isang boses ang umalingawngaw sa buong silid. Napatingin kaming lahat sa taong nagsambit nun. Walang iba kundi ang Ellie Madrid Jhensen na iyon. Ang basketball player na animo'y takas sa kulungan dahil sa kanyang porma at buhok na parang kay Wolverine.

"Yup mister?" tanong ng aming guro sa kanya.

Anlakas ng kanyang loob na pumunta dito sa harapan, kumuha ng chalk at palitan ang aking sagot.

0.7409174

Asan ang mali? Parang 4 lang at 1? Big deal? Napakamot na lang ako aking naisip. Tumabi siya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Oow!" tipid na reaksiyon ng aming guro. "I see"

tapos mukhang may kinukulikot sa calculator niya. Makaraan ng ilang segondo, natigil ang kanyang kamay at mas lalong naningkit ang kanyang mga mata.

"Very good mr. Jhensen. Give him a round of applause."

Napatulala na lang ako sa naging resulta.Nagpalakpakan ang mga classmates namin at ito namang lalaki sa tabi ko parang ibinagsak sa kanya ang langit. Enjoy na enjoy sa pagpupuring kanyang nakuha.

"psssh" walang mga salita ang lumabas sa aking bibig ngunit nakuha ko ang kanyang atensyon.

"Well Hello." mga matatamis na ngiti ang ipinapakita niya sa aking ngunit alam kong sarkastik ang mga iyon. Kainis.

"Hello? Hell you"
1

2

3

tatlong segundo bago ako natauhan sa ginawa ko. Ang taong yun ay nakahiga na ngayon sa dingding at hindi naman sa pinaglalamayan pero... malapit na yata. Hahahaha

Devil laugh for the people who have been caught a little mistake but given no chance to share their intentions in doing so.

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon