Nagising ang Royal Blood dahil sa tunog ng Chopper. Isa-isa silang sumilip sa labas ng bintana at nakita ang dalawang chopper ng warlock na nakita din nila noong papunta sila ng resort.
"Mukhang kaka take-off lang ng mga yun ah?" Jullius said.
"Yeah! Does it mean dito sila nag check in?" Paul added.
"Sayang hindi natin sila nakita." Said Mark sabay hikab.
"Anyway, Let's go. Puntahan na natin si Leilanie para makapag almusal na." Sabi ni Paul habang nagbibihis ng t-shirt.
Mark was about to turn left papunta sa room ng dalaga when Dave talked.
"No need. Wala na sya sa kwarto nya." Napatingin silang lahat sa binata before Jullius asked him.
"What do you mean?"
"Nakaalis na sya. Ngayun-ngayon lang." He said at lumakad na palayo.
Naiwan silang nagtataka at mga nakakunot ang noo.
"Marunong ba syang umuwi mag isa?" Nagtatakang tanong ni Paul. Jullius ang Mark just shrugged their shoulder. Aldrin noticed Cristopher na naniningkit ang mata at nakatingin sa bintana.
"Let's go Third." Cris looked at him and hold his gazed for a while before they all headed down the hotel where the food is.
*
*
*
Mula ng umuwi galing Blue Resort, Nagtataka sya dahil ilang araw na syang walang Battle. Ilang araw na rin nyang hindi nakakausap si Dave. Bumalik ito sa dating hobby nya. Madalas nya itong makita sa tabi-tabi. Sa hallway, sa parking, sa garden, sa hagdan, o maging sa classroom. Ano ginagawa? Making out. Torid kissing. Public Display of Affection. Flirting at.. ano pa ba ang related things?
Naiinis sya.
Naaasar.
Nagseselos. Nope she's not. Yun ang pilit nyang ipinapaniwala sa sarili nya.
Pagkapasok pa lang ng Cafeteria, Nakita nya agad si Dave na nakikipag halikan. Nakaupo ang babae sa dalawang hita nito habang naglalakbay ang mga kamay sa iba't-ibang parte ng katawan ng binata.
Nagtama ang mata nila. Dave smirked at pinagalaw ang mga kamay sa likod ng babae.
Naningkit ang mata ni Leilanie.
Ang misyon nya, eliminate all Dave's girlfriend. Pero sa nangyayari, tila lalo pa silang dumadami.
No choice sya. Never pa syang nabigo sa mga trabaho nya. At hindi ito ang magiging first time nya.
Lumapit sya sa dalawa. Tsaka nya lamang napansin na kumpleto pala ang Royal Blood sa Lamesa.
"Tapos ka na ba? Puwede ka nang lumayas." Mahinahon ngunit may pagbabanta ang boses nito.
'bakit sino ka ba? Oh, ikaw yung isang girlfriend ni Dave, right? Ahm, maghintay ka muna dyan. Hindi pa kami tapos." Muling bumalik ang babae sa ginagawa nya. Lalong naningkit ang mga almond shape na mata ni Leilanie.
Napalunok ng laway si Mark. Habang iba ay matamang nanonood at kinakabahan sa maaaring mangyari. Nakita nila si Leilanie na may kinuha sa kaliwang bewang.
"Tatayo ka dyan o kakaladkarin kita?" Nanlaki ang mata ng bagong girlfriend ni Dave. Natahimik ang buong paligid ng ikasa ng dalaga ang hawak na baril at itutok sa babae. Agad tumayo ang babae at nagmamadaling lumabas ng cafeteria.
Leilanie smirked and looked around na parang may hinahanap. Then she spoked,
"You know this young man, right?" Obviously, she was pertaining to Dave ng wala sa loob na ituro nya ito gamit ang baril. Everybody gasp.
Sunod ay itinaas nya ang baril at nagpaputok.
"That is my warning shot. Sino sa inyo ang girlfriend na at ang may balak pang maging girlfriend ng singkit na to?" Muli nyang kinasa ang baril. Wala ni isa ang sumagot sa kanya. Lahat natakot.
"Good!" She said at ngumiti ng matamis na akala mo'y inosente sa kanyang ginawa.
She was about to exit the cafeteria ng may isang teacher ang sumigaw. "Sino sa inyo ang nagpaputok ng baril?"
Saktong napatingin sa kanya at muling sumigaw. "Ikaw? Detention after class!"
Wala sa loob na ipinatong nya ang baril sa kanyang kanang balikat at itinataas, baba ito.
"Detention? Hindi ako puwede may date ako mamaya." Mahinahon nitong sagot. Now, it's Dave's turn para sumimangot at kumunot ang noo.
"Ahm, ah-eh--. Pu-pwede namang bukas na lang eh. O kaya sa hapon. Kung kailan ka pupwede."
"Okay, sige. 9 am puwede ako." Tumuloy ng paglalakad si Leilanie palabas ng Cafeteria habang nakabalandra ang baril.
When she's out of sight, Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang lahat ng estudyante. Lahat sila, nakahinga ng maluwang. Maging ang guro ay humihingal pa habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Wooah!!" Buntong hininga ni Paul.
"Nakakatakot talaga sya kapag seryoso." Jullius said.
"Lalo na kapag naniningkit na ang mata." Sang ayon ni Mark
Napailing lang si Cris. Hindi nagsalita.
Then, "I missed her." Dave looked at Aldrin. Even the other guys. "Hindi ko na makita ang kumikinang na mata nya at ang matatamis nyang mga ngiti." Wika ni Aldrin sa malungkot na boses habang nakatingin sa plato nya.
"Oo ng eh. Namimiss ko na kapag binabara nya tayo." Wika ni Mark nang nakangiti.
"Remember dude nung Volleyball? Jeez! ang galing ng mga rebutt nya." Paul said tila masayang masaya pa habang naaalala ang mga nangyari.
"But i really want to see her in action again. Ang tagal na mula ng huling laban ni Seventh" Jullius added.
Nanatiling tahimik si Dave. Tila nag iisip. Napatingin sya kay Cris na nakatingin din pala sa kanya. Nagkatitigan sila. Nagsukatan. Bago bumawi ng tingin si Cris at tumayo upang lumabas ng cafeteria.
"Detention? Hindi ako puwede may date ako mamaya." Naalala ito ni Dave at padabog na umalis. Iniwan nya ang apat na nagtataka at nagtitinginan sa isa't-isa.
*(aYoeMi)*

BINABASA MO ANG
MISSION: ELIMINATE ALL DAVE'S GIRLFRIENDS
Actionname: LEILANIE INOUA Codename: AYOEMI SECRET AGENT/GANGSTER MISSION: ELIMINATE ALL DAVE'S GIRLFRIEND Dahil sa gang rape, napatay nya ang ikalawang pinuno ng aztec. Dahil na kick-out, napasama sya sa school ng mga gangster. Kalaunan ay naging parte n...