6TH MISSION: DAVE VS. BP

999 23 0
                                    

Almost a month na si Leilanie sa Royal University at malayo pa lang sya nakikita nya na ang mga estudyanteng nag uunahang pumasok ng campus.

Nagtataka sya Kung anong meron at bakit tila walang pakeelam ang mga tao kahit pa nababangga sya sa pagmamadali.

(Walang manners.) Sa isip nya.

"oy bilisan mo. me rank battle si chinito."

"sino kalaban?"

"ewan. pero balita ko founder daw ng gang nila."

"talaga? tara bilisan natin."

dumiretsyo sya agad Ng battle hall.

(si chinito nanaman? at anong rank battle?)

bumungad sa kanya ang napakaraming tao.

"chinito!! ano? naduwag ka na ba?" sigaw ng lalaki na nasa gitna.

"mawawala yang tawa mo pag nabugbog kana ni chinito." Sigaw ng isa sa mga.estudyante.

"puruhan ka sana ni chinito. ang yabang mo."

napaka ingay ng paligid. pero lalong umingay ng makita nila si chinito na bumababa ng hagdan.

"Ikaapat, bilis. Me basketball pa ako." sabi ni chinito habang nakapameywang.

"Okay. alam nyo na ang rules. matatapos lang ang laban kapag may isang sumuko. sports car ni black panther versus rank ni chinito. On the juries table, kumpleto ang Royal Blood."

tumingin si Leilanie sa ibabang bahagi sa kaliwa. Nakita nya ang limang lalaki na nakaupo sa mahabang mesa.

Tila walang pakeelam ang mga ito sa laban. Sila Smug (Brandon), Aki (Paul), at Naxel (Jullius) ay nagtatawanan. Habang si Dice (Mark) ay naglalaro sa cellphone nya at Si Cypher (cris) naman ay nakapikit na tila natutulog.

"On My cue..begin!"

natahimik ang paligid. pormadong- pormado ang tinatawag na black pAnther. malalakAs na sipa ang pinakawalan nya. halatang magaling sa taekwondo. habang si chinito, abAla sa pag iwas.

"ano chinito? natataranta ka na ba?" hindi kumibo si chinito. "wala ka bang ibang gagawin jan kundi ang umilag? natatakot ka bang sumugod?"

matapos ang malAlakAs at mabibilis na sipa ni black panther ay tumigil ito. bahagyang ngumiti si chinito at nagtanong.

"ano? pagod ka na ba? sariling kilos mo pa lang yan"

muling umingay ang Battle hall "geh, patumbahin mo na yan".

"oo nga. patulugin mo pAra magtanda"

"tutuloy pa ba natin to?" sarkastikong tanong ni chinito. nagalit ang kalaban. muling sumugod. pero nagbago na ang mga galaw. sisipain sana nya si chinito sa sikmura pero napigilan ito ng huli

"Chinito!!" Sigaw ni Dice. "Tama na praxtice "

"Puro ka laro. Sayang oras." Masungit naman na sigaw ni Chypher.

"Manahimik nga kayo jan. Napaka mainipin nyo. Manood na lang kayo." Sagot ni Dave habang tuloy pa rin sa pag iwas.

"Manood? Prrrt! Wala namang kwenta laban nyo eh." Saad ni Brandon

"may basketball pa tayo. Ano ba?" Inis naman na sabat ni Paul.

"Tapusin mo na Master." Sabay ng sigaw ni Naxel ay ang malakas na sipa ni black phanter. Ngunit walang kahirap hirap na sinalag iyon ni Dave.

"pasensya ka na. masyado silang mga atat eh. kaya, ako naman. dalawa blackpanther. dalawang tira ka lang." habang hawak nya ang paa ng kalaban, sinipa nya ito ng malakas at tumama sa braso

"isa" sigaw ng mga manonood

gumante ng suntok ang lalake pero muling tinapik lang iyon ni chinito na sinundan ng malakas na bigwas sa sikmura.

"dalawa. Whooo!" muling sigaw ng mga estudyante.

napaluhod ito at sumuka ng dugo. pinatong ni chinito ang paa nya sa ulo at nagsalita

"may gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Chinito.

"su-ko.. (cough ) na-ko"

"hindi namin marinig." bulyaw ng isang manonood

"lakasan mo mayabang!!" Muling sigaw ng isa sa mga estudyante.

"su-suko na ko."

"lakaas!!" utos ni chinito

"SUKO NA KO!"

"Chinito wins." Blaze (AldriN) declared.

* * *

paalis na sana si Chinito ng makita nya ulit yung babae, nasa corridor lang sya. tahimik na nanonood ng laban Nya. Hindi nya namamalayan, napatitig nanaman sya at ganun din naman si Leilanie sa kanya.

(kakaiba talaga sya. Sino ka ba?) Sa loob loob nya. Dahil kung ibang babae lang, nagpacute na agad sa kanya o kaya ay nag tititili.

maya-maya inakbayan sya ni Blaze kasabay ng alarm na hudyat na magsisimula na ang klase

at sa sulok ng mga mata nya, nakita nyang tumingin din si Blaze sa babae na nakahawak sa railings ng corridor hanggang sa makalabas sila ng battle hall.

(why Blaze? whats in ur mind?) Ang hindi magawang itanong ni chinito sa matalik nyang kaibigan.

*(aYoeMi)*

MISSION: ELIMINATE ALL DAVE'S GIRLFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon