3RD MISSION: THAT WAS HECK OF AN ENTRANCE

1.1K 30 0
                                    

ROYAL UNIVERSITY

PARKING LOT:

Almost one week na ng school opening at puno pa rin ng estudyante ang parking lot.

BROOOOM!!

BROOOOM!!

"ayan na sila. " sigaw ng isang lalake na naka silip sa kalsada.

mapalalaki o babae, Lahat nag aabang. Natahimik ang paligid ng pumasok ang unang Bmw. Ilang segundo ang lumipas ay dumating ang isa namang Convertible. Nag park ito ng wala pang limang metro ang pagitan sa isa't-isa.

Everybody gasped.

Tumigil ang tunog ng makina. muling umingay ang paligid at nagtilian ang mga babae ng isa isang nagsibabaan ang mga sakay nito.

Ang Royal Blood.

Mula sa BMW, back seat.

si Brandon. A.K.A Smug. Ang ika pito at ang pinaka mayabang. Maraming galit sa kanya dahil Hindi patas lumaban.

Si Julius Allen. Ika-anim. A.K.A. Naxel. Ang disk jockey. Ang slow sa grupo.

Si Mark ang ika lima. Ang nasa pasenger seat. A.K.A. Dice. Easy go lucky at chick boy. Bestfriend nya si Jullius.

Si Aldrin ang nasa driver seat at sya ang ika apat. Sya ang pinaka mabait sa lahat. A.K.A. Blaze.

Sa kanan naman, sa convertible, ang nasa driver seat  ay si Christopher na ikatlo sa grupo. A.K.A. Cypher. Pinaka tahimik sa lahat at suplado. Masyado syang seryoso kaya hindi sya pwedeng biruin

Si Paul ang ikalawa A.K.A. Askii. Ang pinaka brutal sa lahat. Wala syang pinipili kahit babae o bata. Basta trip nya, paglalaruan nya at sasaktan.

Sa Passenger seat naman ay si Aaron Dave. A.K.A. Chinito, Master, Pinuno. Mula sa tawag sa kanya, sya ang pinuno ng Royal Blood, pinaka matalino at ang pinaka mayaman. Marami syang girlfriend ng sabay sabay. At alam ng mga girlfriend nya yun.

Bilang pinaka sikat na grupo, nasa kanila ang atensyon ng lahat. At gustung gusto nila iyon. Pero,

Brooooom!!!

Broooom!!

Broom!!

Nagulat sila ng dumaan ang isang mabilis at ordinaryong motor sa pagitan ng dalawang kotse.

Nagulat sila Jullius, Mark at Christopher ng dumaan ito sa pagitan nila.

"Tsk! Ang yabang nun ah? Hindi yata tayo kilala." Galit na komento ni Brandon.

Sinipa ng driver Ang kick stand ng motor at tinanggal Ang itim na helmet.

"Sya yung transferee. " nakangiting saad ni Aldrin

Finilipp nito Ang kulot na buhok na lampas balikat upang maayos. Sumayaw iyon kasabay ng hangin.

"Wooh! Astig. Babae pala ang driver. " Jullius said

Umalis na Ang babae sa pagkakaupo sa motor at naglakad palayo. Pinagmasdan nila ito. Matangkad. Payat at maliit ang bewang.

(Sya yung sa bakanteng lote) bulong ni Dave sa sarili nya.

"Miss.." Napatigil sya sa paglalakad ngunit hindi lumilingon Ng tawagin sya ni Mark. "Ano pangalan mo?"

"Leilanie!" ang maiksing tugon nito at walang lingong likod na muling naglakad papasok ng campus.

Wala syang pakeelam sa paligid. Wala syang kamalay malay sa mga mata ng babaeng kulang na lang ay lamunin sya ng buhay dahil nagawa nyang makuha ang atensyon ng Royal Blood sa sandaling minuto.

"That was heck of an entrance." humahangang sambit ni Dave.

"Oo nga. Nasapawan tayo." Natatawang sang ayon naman ni Mark. Nagtawanan din sila Aldrin, Jullius at Dave. Pero hindi si Brandon na ayaw nasasapawan at si Paul na next target ang tingin kay Leilanie.

Napatingin si Christopher kay Aldrin. napansin nito ang kakaibang kinang ng mga mata at ang mga ngiti na tila napakasaya. Muli syang tumingin kay Leilanie na noon ay nakapasok na sa gate. Then, Binalik nya ang tingin kay Aldrin. At sa tantya nya, Alam nya ang dahilan kung bakit masigla ang kaibigan.

Ngunit naningkit ang mga mata nya ng aksidenteng mapatingin sya kay Paul at mabasa ang inilalarawan ng mga mata nito.

*(aYoeMi)*

MISSION: ELIMINATE ALL DAVE'S GIRLFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon