Ako ay may isang kaibigan
Ang pangngalan n'ya ay Zhianne
Siya ay laging nandiyan
Isang tawag lang ng kanyang pangngalan
Ika'y tutulungan at bibigyan ng mga payo
Pag iniwan ka na ng iba, sya ay nandiyan para sa'yo.
Pag umiiyak ka, luha mo'y tinutuyo
Ibibigay sayo'y tinapay at hindi bato
Ganyan talaga sya katotoo
Hindi ko nga lang sya palaging nakakasama
Pero humahanap sya ng oras para sa aming dalawa
Distansiya man ay kalaban
Pangako nya ay 'di ako iiwan
Awayin mo ako't makakaaway mo rin siya
Ganyan namin dinadamayan ang isa't-isa
Pag ako'y malungkot ay ikakalungkot rin nya
Pero maya't-maya, patatawanin kang talaga
Hayaan nyo na, baliw lang talaga kaming dalawa
Paborito ko ay paborito rin nya
Sa lahat ng bagay wala kaming pinagkaiba
Sekreto ko ay sekreto din nya
At pinapahalagahan namin ang isa't-isa
Alien, Bambam, Love, Asawa ko
Babe, Hubby, D', Boss at Lemonsito
Kung anu-ano ang tawag ko dito
Pero isa lang ang sigurado
Abnormal na bayabas ito gaya ko
Kaya sa akin, siya ay maipagmamayabang na kaibigan
Na handang gawin ang lahat mamatay man si Batman
Di man siya superhero, pero handa siyang magpaka-Superman
Siya ay si Zhianne Gonzales, ang matalik kong kaibigan
[PLAGIARISM is a crime]
YOU ARE READING
POEMS
שירהThe following poems are made through the vision and imagination of the author Please do not copy without any permission given Thank you
