Malapit na ang graduation
Di talaga ako makapag move on
Palaging nasa isip
Date nito'y nakakainipNaisip kong di na kita makakasama
Araw araw nang hindi makikita
Mababawasan ang aking saya
Lungkot lang ang madaramaMamimiss ko ang ating pagsasama
Na sa sampung taon, nasanay akong andyan ka
Sa sampung taon, nakaipon ng alaala
Sa sampung taon, minahal kita, o higit pa?Ngunit wawakasan lang ng isang araw
Ako ba'y hanggang balik-tanaw?
Sa mga araw at pangakong nabuo
Magsasanay na ba akong wala ka sa tabi ko?Isang linggo nalang
Isang linggo para makausap ka
Isang linggo upang masilayan ka sinta
Isang linggo para makasama ka
At Isang linggo para mapadama ang pagmamahal sa isa't-isaIsang linggong bilang na araw
Isang linggong mag-uumapaw
Ang pagka-miss at lumbay
Ayokong tayo ay magkahiwalayIsang linggo para magsaya
Isang linggo para sa atin sinta
Isang linggo na sana tayong dalawa'y mangangako ng totoo at tunay
Isang linggo upang tayo'y magkayakap at magkahawak ng kamayIsang linggo nalang
Isang linggo para sa huling paalam...
- - - - - - - -
[PLAGIARISM is a crime]

YOU ARE READING
POEMS
PoetryThe following poems are made through the vision and imagination of the author Please do not copy without any permission given Thank you