✒Buhay ay nagmistulang butas ng karayom;
Nangangarap at kumakayod pero pait ang naiinom.
Hanggang saan ba aabot ang alon?
Kung sa una palang ay nakakulong na sa masikip na kahon?Pamilya ko, pamilya mo, pamilya nating lahat.
Hinahangad palagi ang masaganang pamumuhay pero hindi pa sapat.
Hindi pa sapat ang lahat ng paghihirap,
Hindi sapat para matupad ang mga pangarap.Ano nga ba ang pangarap?
Kung sa una palang ay paghihirap na ang nalalasap?
Ano nga ba ang pamilya?
Kung problema nalang palagi ang kaharap?Relasyon, pera, nasirang tiwala-masira tayo ay sapat ba?
Kung nakaramdam ng pagod sa lahat ng pangyayari, solusyon ba ang sumuko ka?
Tinawag na pamilya para may kaakibat;
Ba't nauuwi pa rin sa pagkawasak dahil hindi pa sapat?

YOU ARE READING
POEMS
PoesiaThe following poems are made through the vision and imagination of the author Please do not copy without any permission given Thank you