SA ILALIM NG BUWAN

39 1 0
                                        


S

a ilalim ng buwan,
sa dagat tayo'y nagtatapunan-
nagkakatuwaan-
Hanggang magkasawaan.

Sa ilalim ng buwan,
tayo'y nagsasaya.
Hawak ang kamay
ng isa't-isa.

Sa ilalim ng buwan,
tayo'y nag-iibigan.
Nagpapalitan ng mga katagang
simbolo ng pagmamahalan.

Sa ilalim ng buwan,
ako'y iyong iniwan.
Hindi ko alam
kung ano ang dahilan

Sa ilalim ng buwan,
ako'y nag-iisa nalang
Walang kasamang
aking mapagsabihan

Sa ilalim ng buwan,
ako'y nasasaktan
sa iyong paglisan-
sumama sa ibang katipan

Sa ilalim ng buwan,
ako'y may dalang kutsilyo.
Balak kong tapusin ang buhay ko
pagka't wala na ang tinitibok ng puso.

Sa ilalim ng buwan,
ako'y nanghihina.
Nawawalan ng pag-asa
at unti-unting pumipikit ang mata

[PLAGIARISM is a crime]

POEMSStories to obsess over. Discover now