DAKILANG TANGA

25 2 0
                                    

"DAKILANG TANGA"

Kahapong di malimutan
Mga alaalang nagdaan
Damdaming di maikubli
Damdaming patuloy na nasasaktan

Hanggang kailan magdudusa?
Hanggang kailan magtitiis?
Puso'y sawang-sawa na
Kay dami na ng sugat at daplis

Sa panahong nagmamahal
Nagmistulang manhid
Animo'y sinasakal
Ang damdaming di mabatid

Ano nga ba ang kasalanan?
Kung gayong ikaw ay nagmamahal?
Bakit sinasaktan,
Kung gayong ikaw ay matapat naman?

Kahit nga niloloko at dinudusta
Patuloy na nagpapakatanga
Hindi maaalintana
Paano ba matatapos ang dapat tapos na?

Paano tatakas
Kung di na makawala
Patuloy parin bang magmamahal kahit nasasaktan?
Patuloy bang lolokohin ang sarili kahit mali man?

Di ba bibitaw kahit sugatan?
Di ba titigil kahit ang puso'y duguan?
Lulunurin nalang ba ang sarili
Sa taong walang pakialam?

Magtatago ba ng paulit-ulit
Sa malaking katotohanan?

[PLAGIARISM is a crime]

POEMSWhere stories live. Discover now