Heto na naman ako
Umiiyak sa ilalim ng ulan
Luha'y di mabilang
Sakit ang nararamdaman
Mabubura ba ito ngayong gabi?
O hanggang kagat nalang ako labi?
Hindi ba pwede kahit sandali?
Ang makasama ko siya dito sa aking tabi
Pangngalan nya'y tinatawag
Pero ni isa'y 'di siya lumingon
Gusto kong magpakatatag
Pero ang puso ko'y parang binaon
Gusto ko lang namang malaman nya
Siya ay mahal kong talaga
Pero kay lalim na ng sugat
Puso ko'y wasak na wasak
Hindi ba n'ya alam?
Mahal ko siya at masakit
Di ba niya nakikita?
Buong pangngalan nya sa puso ko'y nakaukit
Kaya pakisabi nalang sa kaniya ang nararamdaman ko
Pakisabi sa kaniyang nasasaktan itong puso
Hindi ko na kaya, ngunit mahal ko siyang talaga
At walang pagmamahal na nakukuha sa kanya
Pakisabi sa kaniya, siya lang ang gusto
Pakisabi sa kaniya na siya ang pangarap ko
Pakisabing siya parin kahit nasugatan niya aking puso
Pakisabi sa kaniyang sana balang araw, mahalin niya ako
At pakisabi sa kanyang maghihintay ako.
[PLAGIARISM is a crime]
YOU ARE READING
POEMS
PoetryThe following poems are made through the vision and imagination of the author Please do not copy without any permission given Thank you
