KEITH POV
Ramdam ko padin ang pamumula ng muka ko . Gagong bakla tinatanggal ang pagiging inosente ko -,-
Inis kong binato ang pillow na nahagip ng kamay ko pakshet! Bakit ba kasi ang lakas ng epekto ni kurt sakin? I hate this feeling .
Nagpa-gulong gulong ako sa kama parang ayoko ng magpakita kay bakla , wala nakong maiitago sa kanya pakshet nakita niya na lahat! Bakit naman kasi hindi marunong kumatok ang buset na'yun -,-
Nagtataka nadin ako sa sarili ko, hindi naman ako ganto dati -,- Wala pang nakakatalo sa 'kin , ngayon lang at ang bakla pang iyun ang walang hiyang tumalo sakin!
"Hey KV are you still alive? " Agad na nagpantig ang tenga ko ng marinig ang boses ni kurt at talagang may plano pa siyang kausapin ako? Huminga ako ng malalim at tumayo kung hindi ako magpapakita sa kanya ay mapag hahalataan na apektado ako sa kanya
apektado naman kasi talaga!
Ngumiti muna ako ng napakatamis bago buksan ang pinto. Kitang kita ko ang pagkagulat sa muka ni kurt kaya mas lalo pa akong ngumiti Kitang kita ko kung paano lumunok si kurt tsk nabihag sa dyosang tulad ko -,-
Agad kong hinila ang kwelyo ng damit niya upang mapalapit siya sa akin kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya sa aking ginawa, bumaba ang tingin ko sa labi niya hindi ko alam pero automatic na napakagat labi ako . Damn agad kong pinilig ang ulo ko
Umayos ka keith
"Hi honey miss me already?" Malanding sabi ko kitang kita ko kung paano kumunot ang noo ni bakla kaya naman napangisi ako
"I want to taste your lips " Patuloy ko pa habang ang muka ko ay palapit ng palapit sa kanyang muka agad namang pumikit si kurt gustuhin ko mang humalakhak ay pinigilan ko ang sarili ko
Binigyan ko siya ng headbat na agad na kinasigaw niya. Mabilis akong pumasok sa aking kwatro at nilock iyun rinig na rinig ko ang mga mura ni kurt na mas lalong kinatawa ko .
Nasa akin padin ang huling halakhak .
Natatawa akong humiga sa kama , He deserve it . Masyado niyang dinudumihan ang utak ko -,-
Napatingin ako sa may bintana ng kwarto ko ng mapansin ng madilim na . Napabuntong hininga na lamang ako matagal tagal nadin pala akong hindi nakakapasok sa school. Kung sa bagay pabor naman ako dun , nakakatamad naman kasing pumasok sa school -,-
Mayaman naman si alexandra kaya ayos lang na hindi na ako mag aral mabubuhay nako . At isa pa ikakasal nako sa isang lalaking nang galing sa mayamang pamilya
Napakaswerte nga nung buset na lalaking yun ! nasa kanya na ang lahat . He must be so happy He has A complete and a happy family .Napangiti na lamang ako ng mapait , sana lahat kumpleto at masaya ang pamilya . Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kikimkimin ang inggit na nararamdaman ko sa tuwing may nakikita akong masayang pamilya , hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatago ang tunay kong nararamdaman ngayon . Kung narito sana sina red , hindi ako mag iisa ng ganito .
I miss them
Agad kong pinunasan ang isang takas na luha sa aking mata damn kelan kapa naging emosyonal keith? Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. Kailangan ko na yatang umalis ng tuluyan sa mansion na ito.
Nakakainis mang sabihin pero alam ko sa sarili kong nahuhulog na ako sa baklang 'yun at nababahala ako na baka hindi na ako makaahon sa pagkakahulog .
Bakit pa ako magpapakasal sa isang taong ginagamit lang naman ako? napangiti ako ng mapait . Ayun lang naman ang habol ni kurt sa akin diba? , Ang aking pagiging reyna sa mundo ng mga mafia .
Gustuhin ko mang makipaglaro ay alam kong matatalo lamang ako . Mahirap man tanggapin pero ang isang tulad ni kurt pala ang aking magiging kahinaan.
damn you kurt.

BINABASA MO ANG
My Mafia King
Teen FictionENJOY READING HAHAHA . Mamats muwahhh ?? Inspired po tong story sa enigmatic mafia prince by: JustineGeez