Keith POV
"keith" Naalimpungatan ako nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko kaya naman agad akong tumunghay . Agad ko namang nakita si nicky na wagas na naman kung makangiti "Why?" inis kong tanong ang sarap sarap nang tulog ko tapos gigisingin ako "Vacant na kaya keith hihi" natatawa niyang sabi Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi ,nang mapagtanto ko ang kanyang tinuran ay agad kong inikot ang paningin ko sa loob ng room and pakshet kami nalang palang dalawa ang nadito. -_-
"Bakit ngayon mo lang ako ginising!?" Inis na bulyaw ko agad naman siyang napalunok pero agaran ding ngumiti " Hala kanina pa kaya kita ginigising " Nakanguso niyang sabi kaya umirap nalang ako "Oh shut up bitch"
Mabilis akong tumayo at agad na lumabas sa room narinig ko pang tinawag ako ni nicky pero hindi ko nalang siya pinansin at dire-diretso sa paglakad . Hindi pa ako nakakalayo nang maisip kong hindi ko nga pala alam kung nasaan ang cafeteria napasapo nalang ako sa noo sa inis.
"Hahaha ano ka ngayon? edi hindi mo alam kung saan ang cafeteria" tinignan ko nang masama si nicky tinawanan niya lang ako na lalong nagpa inis sakin sinundan niya pala ako "shattap" inis na sabi ko at mabilis na naglakad kaso hindi pako nakakalimang hakbang nang may humigit sakin "Hindi kasi diyan ang daan dito oh " nakangising sabi ni nicky sakin sabay turo sa daanan kaya inirapan ko lang siya sabay hila sa braso kong hawak hawak niya parin.
Nauna nakong maglakad pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko lalo na nang mga lalaking halatang pakboy hays ganda problems .
"Ganda ko kasi eh shet" Proud na sabi ni nicky na ngayon ay kalapit ko na pala "HA-HA-HA-HA-HA tawa ako mga lima tsk" sarcastic kong sabi sa kanya nginusuan nya lang ako kaya naman tinaasan ko siya nang kilay "magan---" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang mabilis akong naglakad para siya ay iwan .
Malapit na ako i mean kami ni nicky sa cafeteria nang makarinig ako nang tawanan kaya naman kunot noo kong hinanap kung saan nagmumula ang tawanan tumigil ang tingin ko sa loob nang cafeteria may nagkukumpulan sa may gitna .
"Oh gosh you're so pangit talaga"
"Get lost bitch, hindi ka nababagay sa school na ito"
Automatic na tumaas ang kilay ko sa aking narinig . "The shadow gang" rinig kong bulong ni nicky kaya naman agad na napabaling ang atensyon ko sa kanya "The shadow gang?" Tanong ko " Yep" mabilis niyang sagot
"That girl" turo niya dun sa babaeng violet ang buhok na kasalukuyang pinagtatawanan Yung taong sa tingin ko ay kanilang napagtripan
"She's the leader of the shadow gang" takot niyang sabi tumango tango lang ako sa impormasyong aking nakalap . Kalaunan ay napangisi nang mapagtantong mga taong walang kalaban laban lang ang kanilang kayang alipustahin . Dahan dahan akong naglakad papasok "Hey hey keith san ka pupunta" nag aalalang tawag sakin ni nicky na kasalukuyan namang nakasunod sakin
"Just watch" nakangisi kong pahayag agad namang nanlaki ang mata niya sa aking tinuran balak niya pa sana akong pigilan nang malakas akong nagsalita "ANONG GANAP?" nakangisi kong sabi habang naglalakad palapit sa shadow gang ramdam ko ang mga tingin nang taong nasa loob ng cafeteria but i dont fucking care
"Who are you?" Nagtatakang tanong nang isang babaeng pula ang buhok puta ngayon ko lang naisip na parang color game ang mga buhok nila . Ngumisi lang ako na kinataas nang kilay niya " Do you really want to know who I am?" nakangisi kong sagot
"Oh Isa ka sa mga muchacha ni cheska?" Nakangisi nadin niyang sagot agad namang kumunot ang noo ko sa kanyang tinuran "Who the hell is cheska?" Inis na sabi ko . Tinawanan lang nila ako na mas lalong nagpa inis sakin

BINABASA MO ANG
My Mafia King
Teen FictionENJOY READING HAHAHA . Mamats muwahhh ?? Inspired po tong story sa enigmatic mafia prince by: JustineGeez