Keith POV
"Queen? Ayos kalang ?" Nag-aalalang tanong ni red sakin, Oo Sumama ako kay red, iniwan ko si kurt.
Tumango lang ako bilang tugon at muling binaling ang tingin ko sa labas ng kotse, Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa sakit . Sobrang sakit hindi ko din alam kung tama ba ang naging desisyon ko
"Alam kong hindi" Saad ni red hindi kona lamang siya pinansin at tinuon ang tingin sa mga punong nag lalakihan.
"Queen naman"
"Shut up red, mag drive kana lang!" Inis na bulyaw ko na agad namang kinatahimik ni red .
"Sorry"
Papunta kami ngayon sa tanay, malayo sa tagaytay at malayo kay kurt.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa headquarter namin dito sa tanay. Ang mga naninigilan dito ay hindi mga basta basta , magagaling silang makipag laban at gaya ko yung iba sa kanila ay may mga pinag tataguan.
Madami akong nakasalubong na alam kong nagulat sa biglang pag balik ko.
"Keith!" Napataas ang kilay ko ng may narinig akong tumawag sakin. Agad kong hinanap kung sino ang tumawag sakin , sumalubong sa akin ang nakangising muka ni Seth , Si seth ay isa sa mga may mataas ng position dito kaya hindi ako ginagalang nitong buset na to
"Problema mo?" Walang gana kong tanon
"Buti naman naisipan mo pang bumalik?"
"Why? Did you miss me?"
"Hindi, nagpapatawa kaba keith?" Nakangisi niya pading tugon hindi ko maiwasang mapairap , hudas talaga tong hayop nato!
"Feel ko Oo" Nakairap kong saad at nag dadabog na nagpatuloy sa pag lalakad. Narinig kopa ang pag halakhak niya ng malakas na hindi kona lang pinansin Damn kung nasa mood lang ako baka pinatulan kona si Seth
namiss ko dito
Bulong ko habang ginagala ang paningin sa loob ng headquarters , Kitang kita ko ang mga taong masayang nag kwekwentuhan sa ilalim ng puno , yung iba ay Nag papractice ng pakikipag laban . Masaya ang buhay dito , mas pinili ko lang umalis kasi ayokong madamay pa sila ayokong pati sila ay mag dusa.
"Queen?"
"Ay hayop ka!" Gulat na Usal ko
"Queen naman!"
"Ano ba naman kasi red! bakit bigla bigla kang sumusulpot!" Nakakunot noong tanong ko. Nginusuan niya lang ako at naunang mag lakad wala akong nagawa kundi ang sumunod
Nang makarating kami sa tapat ng isang Malaking pinto , hindi ko alam kung tutuloy bako o hindi . Namiss ko sila oo, pero hindi ko alam kung paano ko sila haharapin
kingina keith ! Sina pink lang yan!
Naunang pumasok si red agad naman akong sumunod. Napatigil ako ng maabutang natutulog pa yung tatlo
anong oras na bat tulog patong mga to?
"Mga buhay prinsesa talaga!" Inis na sambit ni red agad naman akong napatingin kay red dahil sa kanyang sinabi
"Hanggang ngayon ba naman?" Kunot noong tanong ko .
"Oo queen, Mas lalo pang lumalala simula noong umalis ka" Nakasimangot na sabi ni red na agad na nakapag pataas ng kilay ko .
Tumango tango ako at huminga ng malalim
Isa isa kong nilapitan at pinag sasampal Agad naman silang napa bangon sa gulat
"Queen!" Gulat na pahayag ni pink
"Oh? Ganyan ba kayo araw araw !?" Kunot noong tanong ko pero ni isa walang sumagot tinignan ko sila isa isa pero agad din silang nag-iwas ng tingin
"Black?" Patanong kong tawag
"A-h ano kasi queen Napuyat kami kagabi hehe nag training eh" Kumakamot sa noong pahayag ni black .
"Totoo ba yun violet?"
"Oo naman Queen"
"Red?" Tawag pansin ko kay red na ngayon ay nakangisi sa tatlo
"Queen nag Bar yan kagabi" Nakangising sumbong ni red na kinatingin ko ng masama sa tatlo
"Training pala ha!?"
"Sorry na Queen, hindi naman kasi namin akalain na babalik kapa eh" Nakayukong saad ni Black .
Natigilan naman ako sa kanyang sinabi at malungkot na tumingin sa kanila sorry guys
Im sorry
"Babalik ako kung kailan ko gusto" Madiin kong saad
"Hindi naman pedeng ganun queen" Seryosong sabi red
"Ako ang masusunod red, Ako ang masusunod." Malamig na saad ko
"Ah kaya pala noong humingi kami ng tulong sayo queen, para kang walang pakialam . Yung totoo? Tinuring moba talaga kaming kaibigan mo?" Diretsong tanong ni pink habang ang mata ay nakatuon sakin .
"Ano ba sa tingin niyo?"
"Hindi" Ang sabat ni violet agad naman akong napalunok sa klase ng tingin na binibigay nila sa akin , akala ko kanina ayos na . Akala ko pag balik ko okay na kami hindi pa pala.
"Isipin niyo kung anong gusto niyong isipin basta ako ginagawa kolang kung anong tama"
"Ah tama bang kilala molang kami pag may kailangan ka queen?" Inis na tanong ni pink agad naman akong napatingin sa kanya
"Anong sabi mo pink? Ulitin mo nga?" Diing tanong ko
"Ang sabi ko kilala molang kami pag may !!!---"
"Damn it! Wala kang alam pink! kaya kung maririnig ko ulit yan sayo ! sinasabi ko sayo may paglalagyan ka sakin!" Inis na bulyaw ko . Kitang kita ko ang gulat sa mata nina black dahil sa ginawa ko , Sinampal ko si pink hindi kona kasi mapigilan .
Masiyado akong napuno...
Inis na lumabas ako ng pinto
"Queen wait!" Rinig kong tawag sakin ni red ngunit hindi kona lamang siya pinansin.
Ano to? Ayokong umiyak
Not now.
May mga tao akong nakakasalubong na yumuyuko bilang pag galang, Yung iba ay gulat na makita ako .
Agad akong nag tungo sa may likod , sa may malaking puno ng mangga at umupo sa may bench sa ilalim nun.
Napatingala ako ng biglang mangilid ang luha ko
Hindi kona alam ang gagawin ko, bakit ba hindi nila maintindihan na para sa ikabubuti lang nila ang ginagawa ko?
Napapunas ako ng luha ng maramdaman kong tumulo ang luha ko .
Masyado nakong madaming problema , sina pink, si kurt at si alexandra
Ganto ba talaga?
Oo matapang akong tao pero pag dating sa mga mahal ko sa buhay nang hihina ako .
Im sorry kurt , babalik ako Babalikan kita aayusin kolang tong problema ko..

BINABASA MO ANG
My Mafia King
Teen FictionENJOY READING HAHAHA . Mamats muwahhh ?? Inspired po tong story sa enigmatic mafia prince by: JustineGeez