Keith POV
Inis kong tinignan ang katawan ng dalawang unggoy na ito ! Damn it bakit ba kasi hindi pa ito sinama ni tanda? Damn that old man
Napasintido ako dahil duh iisipin ko pa kung saan ko dadalhin itong dalawang kolokoy na ito -,-
Makaalis na nga lang tsk bahala na sila sa buhay nila ! Nag dadabog akong umalis ng apartment at naglakad lakad sa tabi ng daan . Takte iniinis talaga ako ng tandang iyon! Kung wala siyang connection ay matagal ko na siyang tinumba!
At tapos ngayon ako pa itong nangangamba ang buhay! Pakshet !
Inis akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa wala nang mga bahay at puro puno na lamang ang aking nakikita , napangiti ako sa isiping nakahanap ako ng magandang pwesto kung saan ay tahimik at walang istorbo .
Agad akong umupo sa isang bato at sumandal sa may puno. Ano bang klaseng buhay to oh! Ni cellphone wala ako pakshet Tungunu this life.
Pumikit ako at inalala ang buhay na mayroon ako . Ang aking magaling na ama na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nagpunta , ang aking ina na walang ginawa kung hindi ang mag-paganda . Napabuntong hininga na lamang ako, kung hindi siguro ako marunong dumiskarte ay malamang wala na ako sa mundong ito .
Paano ako makakapasok sa school kung wala ako kahit piso? Damn it ! kung nadito lang si dady hindi ako maghihirap ng ganito !
Kung hindi nalang kaya ako Pumasok?
Nice idea Keith..
Natatawa nalang ako sa sarili ko, kung may makakakita siguro sa akin ay iisiping may sira ako sa ulo .
Agad akong tumayo ng maalalang hindi pa nga pala ako kumakain ! Jusme san ako kukuha ng pagkain? Naubos na yung stock ko ng pagkain sa apartment Napahawak na lamang ako sa noo
Ay tanga!
Dapat pala ay kumuha ako ng pagkain sa mansion ! Inis akong napapadyak the pak dude saan ako kakain netoh?
Hinihimas himas ko ang tiyan ko habang naglalakad pabalik sa apartment , Napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ang isang itim na kotse na nakaparada sa harap ng apartment na tinutuluyan ko
Sino naman kaya ito?
Nag-patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gilid ng kotse agad kong sinilip ang bintana pero hindi ko maaninag kong may tao ba sa loob o wala masyado kasing tinted ang bintana -,-
Napairap nalang ako sa kawalan at kibit balikat na tumalikod upang pumasok sa apartment hindi ko pa naabot ang pinto ng marinig kong bumukas ang pintuan na kotse ngunit hindi ko ito pinansin at umaktong bubuksan ulit ang pintuan
"Keith "
Isang malamig na boses ang nagpatigil sa akin . Agad na nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung kanino iyong boses
Kurt.
Dahan dahan akong humarap sa kanya at ngumiti ng pagka lawak lawak
"Hi dude ! Why are you here?" Nakangiti kong tanong
"Really keith?" Sarcastic niyang tanong na nakapag-pangiwi sa akin
"Hehe pasok ka muna" Pilit ang tawang alok ko tinignan niya lang ako ng masama at malakas na hinigit ang braso ko
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!?" Inis na pahayag niya habang titig na titig sa akin na kinailang ko naman
"Kasi hindi malambot?" Inosente kong tanong sabay ngiti ng alanganin. Kitang kita ko ang pag dikit ng kanyang kilay pakshet galit na naman tong baklang ito!
"Damn keith " Galit niyang bulong bago hilahin ang braso ko at sapilitan akong sinakay sa kotse hindi ako nakapalag sa sobrang gulat .
Napadaing ako ng malakas niya akong tinulak sa may front seat agad ko naman siyang tinitigan ng masama agad naman siyang umikot at mabilis na sumakay
"Bwesit ka dude !! Masakit!" Inis kong bulyaw na kinataas ng kilay niya
"Ikaw pa may ganang magalit?" Malamig niyang tugon napalunok ako at napatahimik damn it .
"Tsk ikaw na itong tumakas ikaw pa ang may ganang magalit great " Galit niyang bigkas
"An--"
"Huwag ka nang mag-planong tumakas " Patuloy niya "At baka hindi mo magustuhan ang aking gagawin" Tumingin siya sa akin ng walang emosyon
"Dude Para--"
"Stop talking " Malamig niyang pahayag na nakapag patahimik sa akin . Hindi na muli ako nagsalita hanggang sa pinatakbo na ni kurt ang sasakyan .
BINABASA MO ANG
My Mafia King
Teen FictionENJOY READING HAHAHA . Mamats muwahhh ?? Inspired po tong story sa enigmatic mafia prince by: JustineGeez