KEITH POV
Agad akong napamulat ng maramdamang may tumatamang mainit sa aking muka. Tsk umaga na pala? Bat ang bilis?
Kunot noong tumingin ako sa bintana ang alam ko ay sinarado ko ito kagabi . Sino namang buset ang nagbukas nito?
Nakasimangot akong bumangon at mabilis na nag shower , Matapos kong mag shower ay mabilis na akong bumaba . Mabuti na lamang at hindi ko nakasalubong ang buset na lalaking 'yun!
"Manang ano pong ulam natin ngayon?" Mabilis na tanong ko kay manang ng makarating ako sa kusina .
"Kare-kare iha" Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manang pakshet mga pre allergy ako sa peanut ! Tapos kare kare? Luh no way -,-
"Sino po bang siraulo ang may gusto ng kare kare?" Hindi ko mapigilang sabihin damn agad akong napayuko .
"Hahahaha" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ang pag-tawa ni manang
"Iha si Kurt ang may gusto niyan, Iyan daw ang ipaulam ko sa iyo" Patuloy ni manang , Kumasim ang muka ko sa sinabi ni manang buset na lalaking 'yun! May araw kadin sakin Kurt Thompson
"Bakit iha may problema ba ? Halika't umupo kana dito" Tanong ni manang habang nakaturo ang kamay sa bangko na nasa harapan niya.
"Manang ano po kasi may allergy po ako sa peanut" Namumutlang sabi ko habang ang mata ay nasa kare-kareng nasa malaking mangkok.
"Ay naku iha ganun ba ? Pasensya na , ipaghahanda nalang ulit kita ng bago" Mabilis na sagot ni manang agad naman akong umiling
"Naku, manang huwag na ho, nawalan na ako ng gana" Pilit ang ngiting tugon ko kay manang tumango lang sa akin si manang kaya naman agad na akong tumalikod upang umalis
"Oo nga pala iha, Maagap umalis si kurt may asikasuhin daw siya sa school"
Napairap na lamang ako sa sinabi ni manang tsk.
"Hindi po ako interesado kung 'san pumunta si kurt kahit pa pumunta siya sa impyerno wala akong pake buset siya! " Inis na inis na sabi ko at saka naglakad palabas ng mansion .
Nag-diretso ako sa may garden , Siguro ang pinaka nagustuhan ko dito sa mansion ay itong garden , Ang mga bulaklak ay nasa ayos at halatang na-a-alagaan ng mabuti .
At ano naman kaya ang gagawin ni kurt sa school?
Malamang mag-aaral
Agad akong napahawak sa sentido ko damn kung may makakakita lamang sa akin ngayon ay baka pagtawanan ako .
"Hey" Napatingin ako sa aking likuran ng may nag-salita , agad na napangiti ako ng makitang si tito luke 'yun.
"Hi tito " Nakangising bati ko, nginitian din niya ako at mabilis na umupo sa tabi ko
"Keith iha we need to talk" Nakangiti niya pading pahayag tumango lamang ako
"Alam mo na siguro kung anong pag-uusapan natin diba?"
"Yeah, about the marriage right tito? " Patanong kong pahayag
"Yes, Gusto kong maikasal kayo ng anak ko sa mas lalong madaling panahon. " Seryosong pahayag ni tito , hindi ko maiwasang magtaka bakit tila masyado silang atat?
"Atat na atat na ba kayo tito?" Kunot noong tanong ko
"Atat na ano?" Kunot noo ding tanong niya
"Magka-apo" Tamad na tugon ko na kinatawa ni tito , tamo to!
"Oo nalang iha haha" Natatawang sabi ni tito, Napapailing na lamang ako sa reaction ni tito nagpapasalamat nadin pala ako na kay tita namana si kurt hindi kay tito -,-
"May ikwe-kwento ako sayo keith" Seryosong pahayag ni tito
"What is it tito luke ?" Takang tanong ko ngumisi lang si tito sa akin bago nag-salita
"Did you know that your mom is rich?" Agad akong tumango sa sinabi ni tito, Tsk mayaman talaga ang alexandra na 'yun ,-,
"Of course tito. Dun siya magaling eh ang magtrabaho ng magtrabaho para kumita ng pera " Matabang na sabi ko . Tumango tango lang si tito sa akin
"Paano ba kayo nagkakilala ni alexandra tito?" Nagtataka kong tanong
"Si alexandra at ako ay dating magka grupo sa isang gang. " Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tito , what the hell ? si alexandra ? gangster dati? You gotta be kidding me !
" Are you serious tito?" Gulat na tanong ko tumatawang tumango siya .
"Yeah , and ang momy mo ay isa sa pinakamagaling makipaglaban noon hanggang ngayon" Ngiting ngiting pahayag ni tito ,tsk kung wala tong asawa iisipin kong may gusto 'to Kay alexandra eh -,-
"Na namana mo " patuloy ni tito , bigla akong natawa sa sinabi ni tito what? Namana ko? Di hamak na mas magaling pako sa babaeng 'yun !
"Mas magaling ako tito" Nakangiting sagot ko. Nginitian lang ako ni tito at ginulo ang buhok ko sabay titig sa muka ko
"Bagay na bagay kayo ni kurt" Seryosong sabi ni tito habang ang mata ay nakatitig padin sa akin .
"Tito may mga bagay na hindi maaaring mag-sama" Wala sa sariling sagot ko nginisihan lang ako ni tito at walang sabi sabing iniwan ako . Damn wala man lang 'bye' mag-ama nga Kayo!

BINABASA MO ANG
My Mafia King
Fiksi RemajaENJOY READING HAHAHA . Mamats muwahhh ?? Inspired po tong story sa enigmatic mafia prince by: JustineGeez