KABANATA 3

2.6K 53 2
                                    

KEITH POV

Feel na feel ko ang paglalakad dito sa hallway ng school ng makita ko ang isang grupo ng lalaki ? Papunta sila dito sa aking direksyon kaya naman agad akong napatingin sa paligid pakshet oo nga pala walang mga istudyante nasa court sila ang pag kakaalam ko may program daw Daming ka ekekan eh -,-

Mabilis ang ginawa kong lakad, Nang tuluyan akong makalapit sa kanila ay doon ko lamang napagtanto na ang gwagwapo ng nga ito pakshet! Napatulala pako saglit dun sa lalaking kasalukuyang nasa unahan.

Agad namang napabaling ang tingin nila sa akin Jusmiyo nakakapanliit . Bakit ba kase ang tangkad nilaaa ?

"Who are you?" Nagtatakang tanong nung isang guy na nasa right side ni kuyang nangunguna

"School 2015? Charot hahaha" Tawa ako ng tawa sa aking naging sagot ,Nang mapagtanto kong para pala akong tanga na mag isang tumatawa ay agaran akong tumigil at napakamot sa noo

"Get out of our way " Masungit na sabi ng lalaking nasa unahan kaya naman napataas ang kilay ko "Ayaw ko nga dude " Nakangisi kong sagot agad namang kumunot ang kanyang noo " What ? " Nagtataka nyang tanong

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking rebelasyong nalaman . Karamihan ng nag aaral dito sa TU is bingi lol *-*

"Gusto pa yatang masaktan " rinig kong sabi nung isang lalaki kaya naman agad ko siyang binalingan at nginitian

"Sigurado kang gusto mo akong saktan? " Malambing na tanong ko kitang kita ko ang paglunok niya ng ilang beses kaya hindi ko maiwasang mapairap sa kawalan

"Ah a-no"

"Whatevah -,-"

Bumaling ako sa lalaking nasa unahan and i think ito ang leader nila "Hindi ka talaga tatabi?" Inis na tanong niya kaya hindi ko maiwasang mapangisi ng malaki hays sarap batukan nitong lalaking to

"kayo ang umalis haha " natatawa kong sambit

"Hah! Tibay mong babae ka!" Hinanap ko kung sang boses iyon nang galing, tumigil ang mata ko sa isang lalaking nasa bandang hulihan hindi naman katangkaran pero may ibubuga sa pagmumuka ay pak ! ngayon ko lang napagtanto na ang dami nila and puro ang tatangkad pa kung ikukumpara sakin -,-

"Shattap"

"Palaban" Rinig kong bulong nung isang lalaki ngunit hindi ko nalang siya pinagtuunan ng pansin

"Tumabi nga kayo sa daan! ang laki nyong harang" Nakangisi kong utos . Oo utos Kaya naman kitang kita ko ang pagtalim ng kanilang tingin sa akin napailing na lamang ako taray kelangan sabay sabay?

"Hindi mo ba kami kilala" Madiing tanong nung lalaking nasa unahan this time ako naman ang napakunot ang noo

"Bakit BTS ba kayo para makilala ko kayo? " Kunot noong tanong ko

"Kingina"

"Hoy gago ako ba minumura mo ha !?" pasigaw kong tanong na nagpagulat sa kanila

"Oo!" Inis din nilang sigaw

"Takte ang gwagwapo nyo sana eh kaso lang kelangan talaga sabay sabay pag sasagot?" Inis na sabi ko "Raise your hand kung gustong sumagot !" dugtong ko

"You're Unbelievable" Bulong nung nasa unahan ngumisi lang ako at agad na tumalikod hays nagugutom nako -,-

"Hey hey san ka pupunta " rinig kong sigaw nila napairap na lamang ako bat kase kelangan sabay sabay ? Nag dirty finger lang ako habang nakatalikod at tinuloy ang paglalakad narinig ko pa ang bulungan nila tsk -,-

Buti na lamang at may program wala ng haharang sa daanan at baka pag may humarang pa makasapak na talaga ako

"I already told in you"

"AY GAGO!" gulat na sabi ko agad ko namang tinignan ang gagong nanggulat sa akin pisti! Si kurt na naman ? -,-

Seryoso ang muka nito hindi makikitaan ng emosyon . Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa klase ng tingin niya tila tumatagos sa aking kaluluha

Nginitian ko siya ng alanganin kahit na kinakaban ako pakshet ! ngayon lang ako kinabahan ng ganto .

"I don't want to see you again" malamig niyang bigkas Agad namang nabura ang ngiti ko sa kanyang tinuran at automatic na tumaas ang kilay ko

"Pakyu" nakasimangot na sabi ko "What ?" Gulat na tanong niya kaya naman pinandilatan ko siya ng mata

"Tsk"

"Umalis ka nga dyan ! dadaan ako" Inis na sabi ko pero parang wala siyang naririnig at mas lalo pang humarang sa gitna . Kunot noong tinignan ko siya gagong toh!

"Hindi ka talaga aalis ?" Madiing tanong ko umiling lang siya bilang tugon napabuntong hininga na lamang ako para pakalmahin ang sarili

"Aalis ka o pipilayin kita ?" Inis na tanong ko pero parang wala siyang pakialam at tinignan akong parang isang puslit na hindi alam ang sinasabi

"Taena mo gago!" Inis na sigaw ko

"And now your cursing " Walang gana niyang sabi tinignan ko lang siya ng masama

"Umalis ka bago pa magdilim ang panginin ko dude " Inis na sambit ko tumabi lang siya . Kaya naman napangisi ako

"Tatabi kadin pala eh " nakangisi kong sambit nakakailang hakbang pa lamang ako ng maramdaman kong babagsak ako sa floor nitong hallway

gagong kurt pinatid ako!

Ramdam ko ang sakit ng tuhod ko dahil sa pagbagsak ko . Agad akong tumayo at masamang tumingin kay kurt

"Bakit moko pinatid !" Inis na sigaw ko nagkibit balikat lamang siya at agad na tumalikod at naglakad papalayo

Bwesit

Napatingin na lamang ako Sa tuhod ko nang mahagip ng paningin ko ang isang bato , katamtamang laki ng bato napangisi na lamang ako at mabilis na dinampot ang bato at agad na binato sa nakatalikod na si kurt

Sapul sa ulo ! Buti nga -,-

"Ouch! " Rinig kong mahinang sigaw niya . Putek mahinang sigaw daw tsk whatevah

Tumakbo agad ako mahirap na baka maabutan ako ni kurt ng makalayo nako ramdam ko ang hingal ko .

'kruu kruu'

Nag aalburuto na tummy ko sa sobrang gutom oh cmon what time na ba kase?
Tinignan ko ang relong suot ko

10:43 Am?

Hays bat gutom na agad ako?

Tsk .

Mabilis akong nakarating sa cafeteria dahil halos wala namang tao, napahinga naman ako ng maluwag ng walang makita ni isang tao sa cafeteria

Agad akong nag order ng adobong manok, fried chicken , Strawberry shake, dalawang rice at isang fries. Kitang kita ko ang Gulat nung tindera ng masabi ko ang order ko .

"Sigurado ka ate ? lahat to?" Nagtataka niyang tanong napairap na lamabg ako

"And oh isang chocolate ice cream"

Napatulala lang siya saglit at mabilisang inintindi ang order ko Nang makuha ko ang order ko agad akong humanap ng upuan, pumuwesto ako sa may gilid sa medyo tagong bahagi ng cafeteria

Nang makaupo ako sinimulan ko na ang pagkain sarap na sarap ako sa pagkain ng may pumasok na grupo ng kababaihan ? Pakshet grupo grupo ba talaga dito? -,-

Nagkibit balikat lamang ako at tinuloy ang pagkain

yum yum..

malapit nakong matapos ng makaramdam dam ako ng malamig na bagay na binuhos sa ulo ko

Damn it

Not now

Gutom pako eh .

-,-

My Mafia King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon