Chapter13: It's always him

22 1 0
                                    

"The worst feeling isn't about being lonely, it is being forgotten by someone you can't forget"

 

*John POV*

Parang gusto kong magwala sa kinauupuan ko pero di ko magawa, napatingin ako sa taong katabi ko kase sa lahat siya ang unang masasaktan sa kung anu man ang makikita niya, pero huli na ata ako para pigilan ang pagtingin niya dun dahil nakatingin na siya at tumutulo na yung mga luha niya, Napatigil sila Janell sa paghaharutan nung makita nilang umiiyak si Skit at napatingin sa lugar kung saan siya nakatingin, then there they saw Russel Kissing Skit's cousin Nathalie. Agad naman akong tumayo at lumabas, nagulat si Russel sa pagbukas ng pinto kaya naudlot yung paghahalikan nila at napatingin sa akin.

"J-John" -Russel.

Walang sabi-sabi agad ko siyang sinuntok, isa , dalawang beses may pangatlo pa sana kaso may kamay na pumigil sa akin.

"Vid. tama na please" -Skit.

Natuwa ako kase concern siya sa akin, pero yung tuwang yun napalitan nung dinugtong niya tong mga salitang to.

"nasasktan si Russel"

Parang bigla akong nawalan ng lakas, yung galit ko kanina kay Russel parang sa kanya ko gustong ibigay! TANGNA! DI SIYA TANGA KASE PAREHAS LANG KAMI!

"TUMABI KA JAN SKIT, TABI SABI!"

Pero parang wala siyang narinig, humarang parin siya sa harapan ni Russel.

"TANG INA! UMALIS KA JAN SABI"

"AYOKO! MA IPAPALIWANAG NAMAN SIGURO TO NI RUSSEL! KAYA PLEASE AKO NG BAHALA!" -Skit.

"TANG INA NAMAN OH! BULAG KA BA O TANGA? HA! NAKITA MO NA EH. IPAGKAKAIT MO PA! GINAGAGO KA LANG NIYAN AT IKAW NAMAN NAGPAPAKAGAGA!"

*SSSLLLLAAAPPPP*

Ang sakit nun pero mas masakit pa ata yun sa katotohanang kahit anung gawin ko walang magiging akin! di magiging akin itong babaeng nasa harapan ko.

"sorry *sob* sorry di ko sinasadya" -Skit.

"sorry din, pero hindi dahil sa sinabi ko, kundi sorry kase di ko na kaya Skit. MAHAL KITA PERO AYAW KONG MAGING TANGA PA, TAMA NA YUNG IPINAMUKHA MO SA AKIN NA NAGING TANGA AKO!  KAYA SANA MATAUHAN KA!" -ako.

Pagkatapos kung sabihin yun ay umalis na ako, narinig ko pang nagsalita si Janell.

"his right, your so stupid for letting him go, minsan lang magkaroon ng taong handang magpakatanga sa taong tanga"

Hahaha. nakakatawa naman kahit kaibigan niya sinasabing maswerte siya sa akin, pero malas lang talaga siguro ako kase sa iba siya nagmahal, one sided love. hahaha. nakakatawa yung mga gantong kwento ng buhay parang ang sarap na lang tawanan kahit na naiiyak ka na! Di na ko pumasok sa mga klase dumiretso na ako ng uwi, pagdating ko ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko.

Music that my heart beats.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon