chapter23: Confession 1

5 1 0
                                    

"Someone who really loves you, sees what a mess you can be, how moody you can get, how hard you are to handle, and still wants you in their life"

Chapter 20: The confession.

*Janell's POV*

Bakit parang ang dilim? kanina pa ako naglalakad pero wala akong makita? bakit parang ang bigat sa pakiramdam.

"MJ"

Sinu yun? yung boses na yun. Bigla na lang lumiwanag at nakita ko yung taong ayaw kung makita.

"Ja"

Yung boses na yun. Bigla akong napatingin sa likod ko at doon ko nakita ang taong matagal ko ng gostong yakapin.

"sha" -ako

Agad akong lumapit sa kinaruruunan niya pero bigla akong napunta sa lugar kung saan ko siya nakitang walang buhay. Nanginig ako sa lahat ng nakikita ko ang katawan niyang duguan, ito ang eksenang di ko nakita pero ayaw ko naring makita. Unti-unting nadudurog ang puso ko sa lagay niya, wala akong magawa, ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko, tanging bibig ko lang ang kaya kong igalaw. Naramdaman kong unti-unting tumutulo ang mga luha sa mata ko.

"Ja" -nagmamaka awa niyang tawag.

"sha" - mangiyakngiyak kong tawag sa kanya.

Pero unti-unting naglaho lahat. Unti-unti siyang nawala sa paningin ko at napunta ako sa garden ng school.

"MJ"

Nakatulala lang ako sa taong nasa harapan ko, alam ko ang eksenang to. Alam na alam ko. Napiling ako, hindi pwede to. Hindi na ako ang dating Janell, hindi na ako ang mahinang taong yun.

"MJ, I'm sorry but I can't stay any longer, I'm breaking up with you. I don't love you anymore" -Nico.

How could he di this to me? Mas lalong tumulo ang mga luha na kanina pa umaagos sa mta ko. Gusto ko siyang hawakan pero unti-unti rin siyang nawala. Bkit lahat na lang sila nawawala?

"Em?" -Eric.

Naiba naman ang lugar ko. Nasa rooftop? Hinarap ko si Eric, ayos na ayos yung damit niya parang may pinaghahandaan? Nakaayos ang lahat, parang isang dinner date.

"Em" -Eric.

Tinitigan ko din siya, baka mawala din siya sa akin.

"mawawala ka din ba tulad nila?" -ako.

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at tsaka lumapit sa akin. Hinawakan niya nag magkabilang braso ko at tumingin sa mga mata ko.

"kahit kailan, hindi ako nawala sa tabi mo"-Eric.

Niyakap ko siya ng marinig ko ang mga salitang yun.

"I love you Em, always remember that" -Eric.

Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya, tinitigan ko siya sa mga mata para makita ko kung nagsisinungaling lang ba siya. Pero parang kahit ako sa sarili ko sinasabi na wag akong magduda.

*BANG*

Bigla akong nakrinig ng tunog ng baril at napatingin ako sa taong nasa harapan ko pero kahit anong kulay pula sa damit niya wala akong nakita kundi ang mukha niya lang na mukhang nag-aalala tsaka ko naramdaman ang sakit sa puso ko at unti-unti akong napaluhod at naphawak sa dib-dib ko sa sobrang sakit. Hindi ko na maramdaman na may kasama pa ako, unti-unting pumuti ang paligid ko. Nakikita ko mismo ang dugong nagmamantsa sa kaputian ng paligid, unti-unti kong inalis ang kamay na nakahawak sa puso ko at doon ko mismo nakita ang sarili kong dugo. Tumungala ako para makita kung may tao sapaligid ko at doon ko nakita ang mga taong mahahalaga sa akin. 

Hindi sila naglalaho pero nararamdaman kong ako ang naglalaho at unti-unti silang nawawala sa paningin ko, hanggang sa WALA NA KONG MARAMDAMANG SAYA O KAHIT SAKIT.

Music that my heart beats.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon