chapter8: Forgiveness or revenge?

9 1 0
                                    

"May mga bagay sa mundo na hindi kayang baguhin ng panahon, pero kayang ayusin ng pagkakataon"

*ZOEY'S POV*

Isang linggo na simula ng bumalik si Nick at isang linggo naring nawawala si Janell lagi siyang wala sa mga klase namin, ito na nga ba ang kinakatakutan ko na baka bumalik ang lahat na baka isang araw mawala na naman ang kaibigan namin.

"zoe. nakita mo na ba?" -Hershey.

Umiling lang ako, ilang araw na namin hinahanap si Janell, ilang beses na kaming nagpabalikbalik sa bahay nila pero laging wala ang sabi ng katulong pinatawag daw ng dad niya para pumuntang korea pero imposible nasa France si tito Daniel at natawagan na namin ang parents niya pero wala daw talaga. Ilang araw narin siyang hinahanap ni Eric at Nick.

*ring.ring*

"hello" -ako

[andito na siya sa campus, lagot kayo ni Hershey kanina pa niya kayo hinahanap]

Si Kim ang nasa kabilang linya pagkasabi niya nun ay agad kaming sumakay sa kotse at pinaandar papunta sa sa school ng makarating kami dun ay agad naming nakita si Janell sa favorite spot niya sa field kasama si Kim at Skitt. Agad naman kaming lumapit sa kanila. Ayan na naman ang blangkong mukha ni Janell.

"uy. babae ilang araw ka na namin hinahanap" -Ako.

"Nabalitaan ko nga at binulabog niyo daw ang mga katulong sa bahay, ayaw niyo pang maniwala kay aling Iseng na umalis ako papuntang Korea" -Janell.

"Alam mo naman yung si Aling Iseng konsitedora pagdating sayo palibhasa siya na nagpalaki sayo" -Hershey.

"Ganun talaga bakit ganun din naman ang yaya mo Hershey ah. Nga pala maiba ako hinahanap daw ako ni Eric at Nick anu naman ang kailangan ng mga taong yun sa akin"-Janell

"Ah. yun ba? Si Eric kaya ka hinahanap kase hinahabol na siya ng mga babaeng nababaliw sa kanya at miss ka na raw niya, Si Nick naman alam mo na ang kailangan nung tao sayo kaya wag ka ng magtanong"-Ako

"ah. ganun ba? Samahan mo na lang ako sa dalawang yun nakita ko sila sa court kanina eh. Iwan na kayong tatlo dito" -Janell.

Gaya nga ng sinabi niya naiwan ang tatlo dun sa field. Anu kaya ang iniisip ng babaeng to? Patatawarin niya na kaya si Nick? Sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko habang naglalakad kami papunta sa court kung san naroon si Eric at Nick. Di na kase tulad ng dati na pagtiningnan mo si Janell agad mong mababasa kung anu nasa isip niya, iba na ngayon kahit ganu mo katitigan ang mga mata niya wala kang ibang makikita kundi ang sakit at hinanakit, lamig at pangungulila. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ni Eric na pawis na pawis dahil sa practice kompleto din ang barkada niya na siya ding kagrupo niya. Akmang yayakapin ni Eric si Janell ng umatras ang nahuli, nakakatuwang tingnan si Janell habang tinitingnan at pilit na iniiwasan ang pawis na si Eric.

"MJ namiss kita" -Eric.

Nagulat ako sa narinig ko is he call her "MJ?". Akala ko magagalit si Janell nung marinig niya ang tawag ni Eric a kanya pero parang wala lang sa kanya, iisang tao lang kase ang tumatawag sa kanya nun.

"Halata nga eh. kailangan mo?" -Janell.

Napatigil si Eric sa pagkakarinig ng tono ng boses ni Janell, masyado itong seryoso na kahit kailan di niya nagawa sa harap ni Eric na lagi niyang binabara.

"may problema ba?" -Eric

"wala naman" Janell "nakita mo ba si Santiago?"

Nagtatakang tiningnan ni Eric si Janell pero agad naman ito nakabawi, bago pa man magsalita si Eric ay narinig ko ang familiar na boses sa likuran namin ni Janell na katabi ko lang.

"bakit?" -Nick.

Agad naman humarap si Janell kay Nick tsaka ito ngumiti. Kung para sa iba magandang senyales iyon para sa akin hindi, nakakatakot ang ngiting iyon ni Janell parang any time she wil transform into a devil.

"hinahanap mo daw ako?"-Janell.

"Alam mo na naman Janell kung bakit kita hinahanap"-Nick.

"tungkol ba yun dun Nick? Ngayon ko lang napag-isip wala ka naman talagang kasalanan sa nangyari aksidente ang lahat pero di mo maalis sa akin na magalit dahil ikaw parin ang dahilan kung bakit siya nasaktan pero siguro nga tama sila kung alam ni Shanell yung mga ginawa ko noon ay magagalit siya, kung anu man ang nangyari noon ay pinapatawd na kita ayoko pa namng mamatay ka ng di pa kita pinapatawad baka naman multuhin mo ako"-Janell.

Napanga-nga ako sa sinabi niya, pinapatawad niya na si Nick sa wakas. Halos lahat naman nagtataka sa mga sinabi ni Janell ng tingnan ko si Nick gulat din siya sa mga sinabi ni Janell, sino ba namang hindi magugulat kung ang taong dati ay kulang na lang isumpa ka sa mga nangyari at pilit kang pinagtabuyan ay bigla ka na lang patatawarin, bigla na lang niyakap ni Nick si Janell, ewan ko pero automatic akong napatingin kay Eric pero nakatalikod na ito at nakakuyom ang kamao. Tama nga kaya ako ng hinala peroparang ang bilis naman ata? Nung tingnan ko ulit si Janell at Nick ay nakabitaw na si Nick sa kanya.

"thank you so much Janell, di mo alam kung panu mo ako napasaya"-Nick.

"wag ka munang magthank you"-Janell.

Pagkasabi niya nun ay tuamalikod na siya at sumunod naman ako.

"see you around Nick Santiago" -Janell.

Pahabol niya pa, habang nakasunod ako sa kanya ay nag-iisipp parin tungkol sa mga pangyayayri parang ang bilis naman ata? napatawad niya na agad si nick? at bakit parang ang weird talaga ni Eric kanina. Di ko namalayan na tumigil pala si Janell dahilan para mabangga ako sa kanya.

"lalim ng iniisip natin ah." -Janell.

"pansin mo pala yun?"-Ako.

"Di ako tang@ Zoey, kahit nagbago ako kayo hindi ,kaya kilala ko parin kayo"

"Iniisip ko lang yung nangyari kanina talaga bang?"

"kaya pala. Di pa ako tang@ Zoey para patawrin si Nick ng ganun-ganun lang"

Pero bakit niya naman sinabi yun?

"bakit ko sinabi yun? siguro kas tama naman talaga na wala siyang kasalanan pero tandaan mo hindi lang iisa ang kasalanan niya sa akin at do you remember what I've told you before? May be I forgive but remember one thing I never forget"

mind reader na siya? tsaka para naman saan ang ginawa niya? para lang ba makaganti siya kay Nick.

"kung anu man ang iniisip mo Zoey. wala kang makukuha sa mga tanong mo, dahil kahit ako wala paring mga sagot sa mga tanong ko"

Pagkasabi niya nun ay umalis na siya at naiwan lang ako na nakatayo dun nakatingin sa kanya. Anu ba talaga Janell ang hirap mong intindihin mas mahirap ka pang basahin kesa sa nga formula ng math algebra. Ang galing ko talaga nagbibiro pa ako noh? Pero anu ba kase talagang meron? Hanggang kailan ka ba magtatanim ng sama ng loob?, hanggang kailan mo ba dadamdamin mag-isa ang lahat ng sakit nam meron ka? Kase ako nahihirapan. Sana mahanap mo na yung taong kaya kang intindihin at di ka susukuan sa mga problema mo. Pero sa nagyon ang tanging alam ko lang merong taong nag-aantay ng tamang panahon para sa inyong dalawa at ang taong naghahanp lang ng pagkakaton para masabi at maiparamdam sayo ang ganda ng mundo nang walang galit at hinanakit na dala.

Music that my heart beats.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon