chapter19: surprise.

9 0 0
  • Dedicated kay Kristian Eloisa Feleciano Brewer
                                    

"Best things in life are not the material that you want. But the people who stick to your side in every minute of your life"

*Author's POV*

TAMA ang nababasa niyo. author's point of view nga,wala lang nagpapasikat konte! hahaha. joke. sige simulan na natin ang story telling!

Isang linggo matapos ang mga pangyayari sa mga buhay-buhay ng ating mga bida at nagsimula narin ang FOUNDATION DAY NILA. oCTOBER 1, simula ng buwan at dalawang araw bago matapos ang foundation week ng mga mag-aaral sa University, busy lahat ng tao, halos lahat lalo na ang barkada ni Janell pwera sa kanya na walang balak na tumulong sa kung anu man ang pinagkaka-abalahan ng mga ito.

"Ja, tulong naman! paset-up nung tables" -sigaw ni Hershey sa kaibigan na kanina pa naka-upo sa gilid ng gymnasium.

At dahil kilala na natin si Janell asa naman tayong tutulong siya! Tinignan niya lang ang kaibigang nagsalita tsaka binalik ang tingin sa phone niya na kanina niya pa hawak. 

Napabusangot na lang ang apat sa ginawa ni Janell, napaka maasahang tao talaga, para saan nga ba ang inaayos nila? ang totoo niyan nadamay lang ang tatlo sa kalokohan ni Skitt. Gusto niya kaseng isurprise si John ngayong birth day nito. Kase tama ang lahat! Narealize nya na gusto niya si John nung nawala na ito sa tabi niya at ang mas masakit sa loob ng 2 weeks na di siya nito pinapansin ay nakikipaglandian ito sa iba't-ibang babae sa school nila.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Madako naman tayo sa mga boys! ahm! dako talaga! Dahil ang sobrang busy ng mga tao sa mundo, hindi manlang na-alala ng ating birth day boy na birth day niya ngayon dahil mas ulyanin pa siya sa lolo niya at stress siya nitong mga nakaraang araw! Alam ng mga kabarkda niya ang plano ni Skitt. At ganto ang usapan nila para lang mamiss ni John si Skitt.

"ahm, namiss ko na yung mga girls" -pagpaparinig ni Dylan kay John.

"edi puntahan mo" -sagot nman ni John sa kaibigan na kala mo ay bored pero ang totoo namimiss niya na si Skitt.

"Dylan sino ba namimiss mo sa girls?"- makahulugang tanong ni Kris sa kaibigan, alam naman ng isa na nagpaparinig lang si Dylan kay John pero dahil dakilang tsismoso itong si Kris at gustong ibuking si Dylan kaya niya tinanong iyon.

"si Kim" -mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Dylan, at nung marealize niya kung anu ang sinagot niya naihampas niya ang kamay sa ulo.

Tumawa lang naman ang mga kaibigan niya sa ginawa niya, mukhang something fishy ang ating magaling na Cassanova pero agad namang naibaling ng mga ito ang atensyon kay John.

"oh? ako na naman!"- inis na sabi ni John sa mga kaibigan.

"wala lang! nga pala anu oras na?" -seryosong tanong ni Eric sa kaibigan.

"5 pm" -plain na sagot naman ng isa.

"ah, nga pala John may pakialam ka naman kay Skitt diba?"

Music that my heart beats.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon