Chapter 4

12 4 0
                                    


~~~~

I'am laughing dahil sa kakulitan naming apat. We are all looking at a magazine, and they are all planning to buy something. Nandito kami ngayon sa room at nakaupo sa mga armchair namin

"Bibilhin ko to!" Dianna said with excitement at tinuturo yung sandals na gusto niya

"I want this" tinuro naman ni Flora yung set of makeup brushes

"Ito nalang sakin" tinuro ko naman yung lipbalm with moisturizer and spf color pink siya. Mura lang naman siya eh, 85 pesos.

"And this is mine" tinuro ni Dawn yung makeup set, it has eyeliner,lipgloss, mascara, and eyeshadow palette.

We are giggling when Dawn confirmed our orders. Ang saya din pala na may kasama ka din sa mga girly stuffs

Napatayo kami bigla nang makita yung teacher namin sa may pintuan

"Okay class, today will be our I.D picture. Magayos na kayong lahat, I'll give you 5 minutes only" biglang pasok ng teacher sa room. Some of them ay nagayos na and some ay lumabas pa para sa cr magayos

Nagsuklay lang ako, nagpolbo, at naglipbalm na walang kulay. Kaya yung inorder ko meron na dahil minsan pale yung lips ko. Pumunta na kaming lahat sa room kung saan itetake yung I.D picture. Malawak ito pero sa labas kami pinapaghintay at dun kami nakaupo and it serves as the line kung sino next na mapipicture

"Write all your names on this paper para malaman niyo po kung ano ID number niyo" sabi nung assistant ng photographer

Sobrang gulo na namin at di sila nakapila basta basta lang sila nagsusulat. Naghintay nalang ako ng paubos na sila and ako na nagsulat. Nasa may table kasi yung papel at isa lang yun kaya nagkagulo na

Clarion Dalton Fernandez

Sinulat nung next sakin. Ang ganda naman ng name niya, parang pang movie ang dating. Napatingin ako sa kanya, he's not bad may itsura siya infairness at matalino din siya kasi kahapon naka 29/30 ata siya sa quiz. Mukhang mabait din naman at di snobber. Ang ganda ng sulat niya although he's a left-handed. Inalis ko nalang yung paginvestigate sakaniya baka ano isipin sakin.

Nakaupo lang ako dito habang naghihintay na matawag name ko

"Sophronia Navarro" the assistant shouted sign na next na ako.

Pumasok ako sa loob at may nakita ako doon na maraming mga ilaw, soft box ba tawag dun?

May inabot siyang sign na may pangalan ko and student number, I sited sa upuan na nakaharap sa camera and it flashed

----------

"Ano ba yan ang panget ko dito"
"Ang puti ko dito, para akong multo"
"Yung buhok ko ang gulo"

Ilan lang yan sa reaction ng mga kaklase ko nung makuha nila yung I.D picture nila. Nasa classroom na rin kasi kami at kakatapos lang namin mapicturan

"Omg guys, kanina nagkatitigan kami ni Jake!" Paglabas ng kilig ni Flora pero mahina lang para di nila marinig magkakatabi kasi kami ngayon dahil nakain ng I.D picture taking namin yung half of 2nd subject kaya nagaantay kaming magrecess nalang

"Crush mo si jake?" Mahina kong tanong.

Tumango lang siya and flash a super duper big smile. "Wag mo pagsabi ah!" Paninigurado niya

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon