Chapter 15

3 1 0
                                    

~~~~
"YEY! NATAPOS NA RIN NATIN YUNG EXAM!" Sigaw nila, nasa may rooftop kasi kami ng condo nila Dianna.

nakaupo kami habang kumakain dito ng kahit anong pagkain habang nakatingin sa view. Although, walang-wala ito sa view sa province kasi puro buildings yung view dito eh.

"Beshie, okay na ba kayo ni Clarion kanina? Like OMG! kinilig ako sa pagbigay ng jacket niya sayo!"

natawa ako bigla sa sinabi ni chloe "kaya niya yun binigay kasi pinilit niyo siya" at kumagat sa burger ko

"Uy, hindi namin siya pinilit! inasar ko lang siya ng isang beses na pabiro malay ko bang seseryosohin niya yung sinabi namin" tsaka na sila nag agree sa sinabi ni Dawn

nabigla ako sa sinabi nila, ang akala ko no choice lang talaga siya "Seryoso di niyo sa pinilit?" nagbuntong hininga silang lahat "ulit-ulit, Besh? HINDI NGA PO" at sabay-sabay silang tumawa

nakaramdam ako ng may kung ano sa tyan ko at di ko maiwasang ngumiti "Kinikilig siya oh! ayieee"

"daming mong alam Flora! di ako kinikilig" pero di mawala yung ngiti ko kaya tumawa na ako ng malakas

"di daw kinikilig oh!" at lahat kami tumawa na ng malakas "indenial ka pa halata naman na gusto mo siya talaga!"

"Oo na gusto ko siya! pero natatakot kasi ako, na baka masaktan lang ako" tumahimik kaming lahat after ko yun sinabi

"May point ka dun, kahit ako nasasaktan na kay Amiar eh" at lahat kami nanahimik at tumango-tango

at doon ko lang narealize na mahirap pala talaga magkacrush.

kumain nalang kami at tumayo si Chloe para tignan yung view pero kami nagaagawan parin sa mga pagkain. May mga snacks pa kasi kami dito, eh parang lahat ata kami favorite yun.

"Oy! akin yan!" mangaagaw nanaman ng food si Dawn kaya naghilaan sila ni Dianna

"tama na nga yan! ayan oh ang dami pang pagkain dyan!" ang hirap talaga nilang patigilin.

"Eh favorite ko to" napatingin ako kay Dianna, I'm sure di yan papatalo "Tigilan mo ako sa pag po-pout mo dyan, akin to"

hinayaan ko nalang sila at kinain ang cloud 9 at oreo ko dito. Buti wala akong kahati sa mga ito kasi alam nila na sobrang paborito ko to.

"SABI NA NGA BA ANDITO KAYO EH"

Napalingon kaming lima doon sa nagsalita. Nanlaki mata ko dahil nakakita ako ng mga lalakeng halatang namamangha sa tanawing nakikita niya. Sa kanilang dami sa isang lalake lang ako nakatingin at alam ko ganun din sila Dawn sa kanilang kanya-kanyang crush.

"Bat kayo nandito?" napatingin si Chard kay Dawn tsaka umupo siya sa tabi niya "Ayaw mo ba?" pagbibiro niya

"Girl's Bonding po kasi namin ito diba?" sarcastic na pagkakasabi ni Dianna "Edi sasama kami sa bond niyo. the more, the merrier" at umupo na sila sa mga tabi namin kaya mas lalong lumaki yung bilog

"Nagdala rin kami ng maraming snacks for us" pinakita ni Amiar mga bit-bit nilang maraming plastic na laman ay snacks.

"Ay wow naman! ang dami nyan ah," tsaka siya tumingin kay Dawn "Oh Dawn di na tayo mag-aagawan sa foods" natawa kami sa pagsabi ni Dianna nun.

nakita ko naman na napatingin sakin si Clarion "Sakto pala na bumili akong isang pack ng cloud 9 at dalawang oreo kasi ubos na yang kinakain mo" biglang lumiwanag yung mata ko sa hawak ni Clarion.

Grabe parang imagination ko lang dati na binibilhan niya ako ng pagkain ngayon nangyari na. kinuha ko ito at tinitigan kasi iniisip ko kung kakainin ko ba ito o itatabi as a memory na binilhan niya ako ng food.

"tititigan mo lang ba yan?" nagpout si Clar sa pagsabi niyang iyon. kaya binuksan ko ito at napagdesisyunan ko na itatabi nalang yung plastic ng mga ito kasama yung iba niyang maliliit na binibigay sakin tulad ng candy wrapper

Biglang lumakas yung hangin dito sa rooftop kaya hinawakan ko yung buhok ko para di magulo tapos yung isang kamay naman pinapang kain ko.

pero kinuha ni Clarion yung kamay ko kaya nabitawan yung pagkahawak ko sa buhok "Meron ka naman pangtali ng buhok, ba't di mo gamitin" kinuha niya ito at medyo umurong at tinali yung buhok ko ng ponytail

"Yez naman! improving may pa tali na ng buhok si Clar"

"Girl, How to be you po?"

nang natapos niya ako ipitin umayos siya ng upo "Oh ayan makakakain ka na ng maayos"

"Salamat" patago ang kilig ko ngayon kasi naman eh, sino ba di kikiligin doon?

"Ahhh... Clarion? pwede pabukas" nakita ko si Chloe na pinapakita ang hawak niyang tubig, nagpapabukas siguro ng bottled water.

"Sure" at tinry buksan ni Clarion iyon pero hirap rin siyang buksan ito "Try ko nga" kinuha ko yung bote at sa isang ikot ko sa takip nabukas agad yun.

"Wow naman, Nia. ang lakas mo" Natawa si Clar kaya binigay ko na kay Chloe yung takip at bote

"Thank you" nagsmile ako sa pa-'thank you' ni Nia at kumagat ulit ng Cloud 9.

"GUYS ANG GANDA NG SUNSET" at parang batang tumakbo si Flora papunta sa harangan ng rooftop.

"Flora, Ingat ka baka mahulog ka dyan!" at tumakbo din si Jake papunta sakaniya.

"Paano ba yan nahulog na ako...." napatingin kaming lahat kay Flora "sbabsjn" di namin masyado marinig yung huli niyang sinabi kaya kinukulit siya ni Jake ulitin yun.

nagkatinginan kaming mga babae at alam na namin nasa isip naming lahat. I'm sure kinikilig na si Flora sa sinabi ni Jake.

lumapit na rin kami kung saan sila para manood nung sunset. "Gandaa" mahina kong sabi sa sobrang pagmamangha, ofcourse sanay ako sa sunset pero first time ko makakita ng sunset sa city.

napatingin ako sa orasan ko "Aalis na rin ako, oras na" at naglakad doon sa kung saan kami nakaupo.

"sabay na tayo" narinig kong sabi ni Clarion na ngayong sumabay sakin sa paglakad para kunin din yung bag. tumango nalang ako at kinuha yung bag ko

"Ako rin uuwi na baka hinahanap na ako nila mommy" sabi ni Dawn

"Oo nga uwi na tayong lahat" kinuha na naming lahat ang kanya-kanyang bag namin tsaka iniligpit yung pinagkainan.

-------------

"Para po!" bumaba na kami ng jeep ni Clarion then naglakad na paakyat sa lrt.

"Soph?"napabagal ako ng lakad dahil sa pagtawag niya sakin "bakit?"

tinignan niya ako ng medyo ilang seconds tsaka siya ngumiti "Wala lang" hinila nalang niya ako paakyat ng station.

luh parang tanga lang?

Habang nasa pila kami ramdam ko rin ang pagtingin niya minsan sakin "Tigilan mo nga yan"

"Ang alin?" Mapangasar niyang tanong sakin.

Inirapan ko nalang siya, ayoko na makipag away sakaniya kakaasar lang. Madami ang tao ngayon dahil sa rush hour kaya bunguan at sobrang siksik.

Lagi kong tinitignan si Clar para makita kung kasama ko pa siya. Pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko kaya nakaramdam ako ng security kahit papaano.

Baka kilig nararamdaman mo?

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon